Source: Si Kylie Verzosa ang nakipag-break kay Jake Cuenca

by Jojo Gabinete
Apr 23, 2022
kylie verzosa jake cuenca breakup
Hindi maiwasang hindi maiugnay ngayon si Kylie Padilla sa leading man niya sa Ikaw Lang Ang Mahal na si Zanjoe Marudo (kanan) matapos kumpirmahin ni Jake Cuenca (kaliwa) ang breakup nila ng beauty queen-actress.
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram / Viva Films

Kinumpirma ni Jake Cuenca sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Sabado, April 23, 2022, na nagwakas na ang tatlong taong relasyon nila ni Kylie Verzosa.

Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

Pero hindi niya binanggit na ang former Miss International-turned-actress ang nakipag-break sa kanya.

Isang malapit kay Jake ang nagkumpirma sa Cabinet Files na si Kylie ang nagdesisyong tapusin ang relasyon nila ng aktor, na apektadong-apektado sa nangyari, base sa kanyang mga social media post.

Read: Jake Cuenca posts crying photo after confirming breakup with Kylie Verzosa

Sa face-to-face press conference ng Ikaw Lang Ang Mahal na naganap kahapon, April 22, nakiusap si Kylie sa entertainment writers ng huwag na siyang tanungin tungkol sa pag-iyak niya sa It’s Showtime noong nakaraang Martes, April 19.

Ang pag-iyak na iyon ni Kylie ang dahilan para lalong magduda ang mga taong may problema nga sa relasyon nila ni Jake.

Read: Kylie Verzosa gets emotional about relationship question amid rumored breakup with Jake Cuenca

Continue reading below ↓

ZANJOE'S CHEMISTRY WITH KYLIE

Si Zanjoe Marudo ang leading man ni Kylie sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal.

Hindi naiwasang madawit ang pangalan niya sa isyu dahil sa kanilang pelikula at malakas na chemistry na napansin ng entertainment writers na dumalo sa press conference ng proyekto nila.

Apparently, walang karelasyon si Zanjoe sa kasalukuyan dahil sa kanyang sagot sa tanong kung sino ang sinabihan niya ng "ikaw lang ang mahal ko."

Pahayag ng Kapamilya actor, “Sa pag-ibig naman sa relasyon, siyempre, yung una kong naging girlfriend, nung bata pa ako, nung high school. Nasabihan ko na siya ng ikaw lang ang mahal.

"And sa present naman, puro sa trabaho lang ako nagsasabi ng mahal kita."

Ayon kay Zanjoe, wala pa siyang sinasabihan ngayon ng "ikaw lang ang mahal."

Ikinuwento rin ng aktor na nakaramdam siya ng excitement nang malaman niyang magkakasama sila ni Kylie sa Ikaw Lang Ang Mahal na isang malaking hamon para sa kanya.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Hindi ko pa nababasa yung script, medyo aaminin ko talagang na-excite na ako kasi, first, si Direk Richard [Somes] makakatrabaho ko ulit.

"And na-excite ako na makatrabaho si Kylie kasi bihira din lang akong matambalan ng halos pantay sa height ko na hindi ako yumuyuko, kaya ang sarap kapag inaakbayan ko siya sa mga eksena, napakanatural lang at ang ganda lang ng mga dating."

Sabi pa ni Zanjoe, “Nagulat ako na grabe yung preparations pala na ginawa niya [Kylie] para sa project na 'to dahil sa script reading pa lang namin, Zoom, ramdam na ramdam mo na yung dialogues na binibitawan niya.

“Na-challenge din ako kahit papaano na sabayan siya sa kung paano siya mag-prepare sa movie na 'to.

"Kaya yung first scene namin, medyo naramdaman ko na agad na may something dun sa dalawang characters na puwedeng mag-work kaya nag-enjoy kaming tapusin ang pelikula."

Napangiti si Kylie nang marinig nito ang mga sinabi ni Zanjoe.

Continue reading below ↓

Reaksiyon niya, “Thank you naman, parang first time ko yung narinig.”

Base sa mga pananalita at kilos ni Kylie, hindi maitatangging magiliw siya kay Zanjoe na lalong nagpalakas sa kanilang “chemistry” na nagsimula at nabuo sa set ng Ikaw Lang Ang Mahal.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maiwasang hindi maiugnay ngayon si Kylie Padilla sa leading man niya sa Ikaw Lang Ang Mahal na si Zanjoe Marudo (kanan) matapos kumpirmahin ni Jake Cuenca (kaliwa) ang breakup nila ng beauty queen-actress.
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results