Vice Ganda, pinuna ng ilang netizens dahil sa hindi pag-endorso umano kay Kiko Pangilinan

by Jojo Gabinete
Apr 24, 2022
vice ganda on leni kiko rally
PHOTO/S: YouTube

Nabahiran ng intriga at kontrobersiya ang pagdalo ni Vice Ganda sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Francis Pangilinan na naganap sa Diokno Boulevard, Pasay City, kagabi, April 23, 2022.

Ito ay dahil sa obserbasyon ng mga supporter ng dalawang kandidato na hindi inendorso ng TV host-comedian ang kandidatura ng asawa ni Sharon Cuneta.

Pinuna ng supporters ni Pangilinan na sa halos sampung minutong pagsasalita ni Vice, tanging ang kandidatura lamang ng presidential aspirant na si Robredo ang kanyang paulit-ulit na binanggit.

Read: Vice Ganda publicly endorses VP Leni Robredo for President

Sa isang bahagi ng speech ni Vice, maririnig ang sigaw ng mga supporter ni Kiko na “Isama si Kiko! Isama si Kiko!”

Nagsalita naman si Vice ng “Makinig lamang po tayong lahat…”

Isang saksi ang nagsabing, “I was there and we’re shouting na isama si Kiko. Kaso di yata kami narinig but I know, we know that Vice Ganda’s also for Kiko!”

Continue reading below ↓

vice ganda kiko tweet

May nagpahayag naman ng pagkadismaya dahil sumisigaw raw silang isama si Kiko, pero walang ganoong nangyari.

“Marami ang nag-iintay sa endorsement niya last night. Iniwan niya si Kiko,” pahayag ng isang saksi.

Narito ang iba pang mga puna ng netizens kay Vice:

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

vice ganda, kiko pangilinan

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

Hindi man inendorso ni Vice ang vice-presidential candidacy ni Pangilinan sa kanyang speech, tinawag niya sa stage ang asawa ni Sharon para magbigay ito ng mensahe kay Robredo na nagdiwang ng 57th birthday kahapon.

Hindi nangyari ang pagbibitaw ni Pangilinan ng mensahe para sa kanyang running mate dahil isang group photo opportunity na lamang ang naganap.

Kung may bumabatikos kay Vice, may mga nagtatanggol din sa kanya at nagsabing dapat igalang ang desisyon niya.

Narito ang mga pagtatanggol ng ilang netizens kay Vice:

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

vice ganda, kiko pangilinan

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

vice ganda, kiko pangilinan

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

vice ganda, kiko pangilinan

Diumano, maaaring may ibang vice presidential candidate na sinusuportahan si Vice kaya hindi dapat masamain na tanging ang kandidatura ni Robredo ang ipinanawagan niyang suportahan.

vice ganda, kiko pangilinan

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results