Fans ni Maricel Soriano, nakiusap na huwag gawing isyu ang di pagbanggit kay Kiko Pangilinan sa campaign rally

by Jojo Gabinete
Apr 25, 2022
maricel soriano sharon cuneta leni-kiko campaign rally
May ilang netizens ang ginagawang isyu ang hindi pagbanggit ni Maricel Soriano (kaliwa, sa parehong larawan) sa mister ni Sharon Cuneta (kanan) na si Senator Kiko Pangilinan sa speech ng Diamond Star sa campaign rally nina Leni at Kiko sa Pasay City noong April 23, 2022.
PHOTO/S: YouTube

Nakiusap ang mga tagahanga ni Maricel Soriano sa mga tagasuporta ni Senator Kiko Pangilinan at ng misis nitong si Sharon Cuneta na huwag bigyan ng malisya ang hindi pag-endorso ng Diamond Star sa vice presidential bid ni Kiko.

Dumalo si Maricel sa campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko sa Diokno Boulevard, Pasay City, noong Sabado, April 23, 2022, para opisyal na iendorso ang kandidatura ni Robredo at batiin ito ng maligayang kaarawan.

Si Sharon ang nagpakilala kay Maricel bago ito umakyat sa stage, at mahigpit ang yakap ng magkaribal sa showbiz sa isa’t isa nang magkita at mag-beso-beso.

Pagpapakilala ni Sharon kay Maricel: “Iilan lamang po ang tunay na reyna sa pelikula. Eto na po ang ating kaibigan. Kung ang tawag po sa akin ay Mega, eto naman ang aking at ating Diamond Star, Ms. Maricel Soriano!!”

Tumanggap ng masigabong palakpakan si Maricel mula sa mga taong nagsisiksikan at tiniis ang maalinsangang panahon.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Maricel: “Bilang babae at magulang, konti lang po ang pangarap ko para sa aking mga anak na alam kong pangarap niyo din.

“Yung makapagtapos ng pag-aaral, mabuting trabaho, pagkain araw-araw… may huhugutin tuwing ora de peligro.

“In short, yung umangat naman ang buhay dahil ayoko nang tinatapakan ako! Ayoko nang masikip! Ayoko nang mabaho! Ayaw natin ng walang pagkain! Ayaw natin ng putik!

"Ang gusto ko, liwanag sa dilim! Yun ang gusto ko kaya huwag niyo akong ma-Terry Terry dahil ang gusto ko, Leni! Leni! Leni! Laban! Laban! Laban! Leni! Leni! Leni!”

Hinaluan ni Maricel ang kanyang talumpati ng iconic lines mula sa kanyang mga pelikulang Kaya Kong Abutin ang Langit (1984) at Minsan Lang Kitang Iibigin (1994).

Natapos ang pagsasalita ni Maricel nang hindi nito binanggit ang pangalan ni Kiko.

Ipinagtaka ito ng fans at supporters ni Sharon, tulad ng pagtataka nila nang hindi iendorso ni Vice Ganda ang kandidatura ng asawa ng singer-actress sa naturang rally.

Continue reading below ↓

Read: Vice Ganda, pinuna ng ilang netizens dahil sa hindi pag-endorso umano kay Kiko Pangilinan

Ilan sa mga komento ng mga tagahanga nina Sharon at Kiko sa social media:

maricel soriano

maricel soriano

Continue reading below ↓

Umapela naman ang fans at supporters ni Maricel na huwag nang gawan ng isyu ang nangyari dahil sa kanilang paniniwalang maiksi ang oras na ibinigay para sa mga celebrity campaigner kaya nakasentro lamang kay Robredo at sa kaarawan nito ang endorsement ng mga artista.

maricel soriano

May mga kumbinsido namang iba ang vice presidential candidate na sinusuportahan ni Maricel kaya ang kandidatura lamang ni Leni ang kanyang ikinampanya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ilang netizens ang ginagawang isyu ang hindi pagbanggit ni Maricel Soriano (kaliwa, sa parehong larawan) sa mister ni Sharon Cuneta (kanan) na si Senator Kiko Pangilinan sa speech ng Diamond Star sa campaign rally nina Leni at Kiko sa Pasay City noong April 23, 2022.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results