Watch Now

A Hard Day ni Dingdong Dantes vs Restless ni Franck Gastambide: alin ang mas angat?

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2022
Dingdong Dantes Franck Gastambide
Pinoy pride ang galing ni Dingdong Dantes (left) sa A Hard Day na may French remake na Restless o San Repit, na pinagbidahan ni Franck Gastambide (right).

Dalawang bersiyon ng A Hard Day, ang 2014 South Korean blockbuster-action thriller film, ang mapapanood sa Netflix.

Nagsimula na kahapon, April 25, 2022, ang online streaming ng Philippine adaptation na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Read: Dingdong Dantes at Marian Rivera, nakapiling muli ang mga anak; Dingdong, excited mapanood ang A Hard Day

Una itong ni-release sa theaters sa 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong December 25, 2021- January 7, 2022.

Ipinalabas naman sa Netflix noong February 2022 ang Restless, ang French adaptation ng A Hard Day na may French title na Sans Repit. May running time itong one hour at 36 minutes.

Bida sa Restless ang 43-year-old French actor na si Franck Gastambide na hindi nalalayo ang edad kay Dingdong.

Kumpara sa running time ng Restless, mas mahaba ang Philippine version ng A Hard Day dahil one hour and 56 minutes ang haba nito, kahit walang ipinagkaiba ang kuwento at mga eksena nito sa French adaptation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasunod naming pinanood ang Restless at ang A Hard Day sa Netflix kaya aming masasabi na mas maganda at entertaining ang Philippine adaptation dahil ibinagay ito ng direktor na si Lawrence Fajardo sa panlasa ng Filipino audience.

Kung pagbabasehan naman ang akting nina Franck at Dingdong, hindi hamak na mas mahusay ang pagganap na ipinamalas ng 41-year-old Filipino actor.

At para sa mga nagdududa, panoorin na lamang ninyo ang dalawang version ng South Korean action-thriller film para mapatunayan ninyong totoo ang aming obserbasyon at opinyon.

Ang A Hard Day ang unang pelikula ng Viva Films na ipinalabas sa mga sinehan sa panahon ng pandemic nang maging official entry ito sa 47th MMFF at isa sa mga maipagmamalaking proyekto ni Dingdong.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy pride ang galing ni Dingdong Dantes (left) sa A Hard Day na may French remake na Restless o San Repit, na pinagbidahan ni Franck Gastambide (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results