Baron Geisler, magtatayo ng sariling simbahan matapos mag-graduate ng AB in Theology?

by Jojo Gabinete
Apr 26, 2022
baron geisler graduation
Baron Geisler: "May bachelors degree na ako. Kahapon, April 25, ang graduation namin. Umabot din ng almost four years ang pag-aaral ko. Nagkataon lang na nagkaroon ng COVID breakout. Pangarap ito ng lahat ng artista na hindi nakapag-college dahil busy sila, di ba?”
PHOTO/S: Baron Geisler Facebook

Maaliwalas na maaliwalas ang mukha ni Baron Geisler nang dumalo siya sa grand summer media conference ng Vivamax na ginanap sa isang events place sa Quezon City ngayong Martes ng hapon, April 26, 2022.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap ang controversial 40-year-old actor bago siya ipinakilala bilang lead star ng Pusoy, isa sa mga pelikulang mapapanood sa Vivamax.

“In high spirits” si Baron na ipinagmalaking may bachelor’s degree na siya, ang AB in Theology, ang four-year course na tinapos niya sa All Nations College sa Antipolo City.

Ikinuwento ni Baron na nagsimula ang pag-aaral niya noong 2019.

Masaya siya dahil sa edad na 40, natupad ang kanyang pangarap magkaroon ng college diploma.

Nakangiting pahayag ni Baron, “Since 2019 pa ako nag-aaral, online at modular. May bachelors degree na ako. Kahapon, April 25, ang graduation namin.

“Umabot din ng almost four years ang pag-aaral ko. Nagkataon lang na nagkaroon ng COVID breakout.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pangarap ito ng lahat ng artista na hindi nakapag-college dahil busy sila, di ba?”

Ano ang puwedeng maging trabaho ng katulad niyang nagtapos ng AB in Theology?

“Puwede akong mag-pastor. I could build my own church,” sagot ni Baron, na seryoso nang sabihin nitong puwede siyang magtayo ng sariling simbahan dahil sa kursong kanyang tinapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede akong magtayo ng sariling simbahan. Gagawa ako ng kulto. Ako ang papalit kay Pastor Apollo Quiboloy,” sabi ni Baron, na sinundan nito ng malakas na tawa.

Sinakyan namin ang kanyang biro at tinanong kung kailan niya planong magtayo ng sariling simbahan.

“In six months, tingnan natin!” natatawa pa ring sabi ni Baron, na nagbiro na kukumpitensyahin niya si Pastor Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler: "May bachelors degree na ako. Kahapon, April 25, ang graduation namin. Umabot din ng almost four years ang pag-aaral ko. Nagkataon lang na nagkaroon ng COVID breakout. Pangarap ito ng lahat ng artista na hindi nakapag-college dahil busy sila, di ba?”
PHOTO/S: Baron Geisler Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results