Ang Raising Mamay ang nangunguna ngayong afternoon drama series ng GMA-7.
Ito ang magandang balitang natanggap ni Ai-Ai delas Alas nang dumalo siya sa Philippines' Most Exceptional Men and Women Awards Night ng Mrs. Universe Philippines Organization kagabi, April 27, 2022.
Pinamumunuan ng former That’s Entertainment member na si Charo Laude ang organisasyon.
Ayon sa preliminary data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings, ang pilot episode ng Raising Mamay ay nakakuha ng 5.6 percent.
Malayo ang agwat nito sa katapat na mga programa.
"Thank you, Lord," ani Ai-Ai.
Lubos na maligaya ang Kapuso star nang malamang patuloy na tumataas ang rating ng Raising Mamay mula nang mag-umpisa itong mapanood sa Kapuso Network noong Lunes, April 25.
Pinasalamatan din ni Ai-Ai ang viewers ng drama series na tinatawag ngayong "Rating Mamay."
Bida rito si Ai-Ai, at pati ang co-stars niyang sina Antonio Aquitania, Tart Carlos, at Ina Feleo ay umaani ng papuri sa mahusay na pagganap nila sa show.
Read: Harry Roque ribs Ai-Ai delas Alas for choosing UniTeam: "Hindi mawawala ang iyong prangkisa."
Philippines' Most Exceptional Men and Women Awards Night
Dumalo si Ai-Ai sa awards night ng Mrs. Universe Philippines dahil kabilang siya sa mga tumanggap ng parangal.
Recipient din ng Most Exceptional Men and Women Award sina Senator Bong Revilla Jr., Manila City Mayor Isko Moreno, Arnell Ignacio, Lhar Santiago, at Wendell Ramos.
Pinarangalan din ang Raya Sirena star na si Sofia Pablo at ang former Eat Bulaga executive na si Malou Choa-Fagar.
Kasama rin sa binigyan ng recognition ang GMA-7 executives na sina Lilybeth Rasonable, Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, Gigi Santiago-Lara, Bang Arespacochaga, at dating Kapuso executive na si Redgie Magno.
Ang talent manager na si Wowie Roxas, ang GMA entertainment reporter na si Lhar Santiago, at ang writer na si Gina Marissa Tagasa ay pasok din sa Most Exceptional Men and Women Award.
Ang Okada Grand Ballroom ang venue ng awards night ng Mrs. Universe Philippines Organization.
Kasabay nito ang preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2022 kaya dumagsa ang mga tao sa Okada Manila, pero mahigpit na ipinatupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.