Melanie Marquez, di napanood ang pagrampa ni Michelle Dee sa Miss Universe PH 2022

by Jojo Gabinete
May 1, 2022
Melanie Marquez
Ikinuwento ng former international beauty queen na si Melanie Marquez na hindi niya napanood ang pagrampa ng kanyang anak na si Michelle Dee sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 kagabi, Sabado, April 30, sa Mall of Asia Arena dahil hindi siya pinapasok ng security guards dahil hindi niya dala ang kanyang vaccination card. Bukod pa rito, nalaman niyang nilooban pala ang kanyang bahay at nawala ang kanyang mga alahas. (Screen grab from News5/TV5)

Mapagmahal at supportive na ina si Melanie Marquez sa kanyang mga anak kaya siya ang aming hinanap sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 na ginanap kahapon, April 30, sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Top contender ang anak ni Melanie na si Michelle Marquez Dee sa Miss Universe Philippines 2022 kaya imposible na hindi nakarating ang Miss International 1979 winner sa importanteng gabi para sa anak nila ng former action star na si Derek Dee.

Si Michelle ang nanalo sa Best in Gown competition at siya ang tinanghal na Miss Universe Philippines Tourism 2022, pero hanggang matapos ang coronation night, hindi namin nakita si Melanie sa loob ng MOA Arena.

Nasagot ang mga katanungan tungkol sa hindi pagdalo ni Melanie sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 nang ilabas ng News5 ang video ng exclusive interview nila sa former beauty queen habang nasa labas ito ng MOA Arena.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Melanie na hindi siya nakapasok sa coronation night venue dahil hindi niya dala ang kanyang vaccination card.

May katotohanan ang pahayag ni Melanie dahil hinahanapan ng mga security guard ng MOA Arena ng vaccination card ang lahat ng mga pumapasok sa naturang venue.

Bukod sa hindi nadala ang kanyang vaccination card, natuklasan ni Melanie na nawawala ang mga alahas nito nang umuwi siya sa bahay niya sa Makati City.

"I am upset. I am really upset ‘coz they stole jewelries as well.

"I don’t know. It’s just now that I was looking for my jewelries myself, I couldn’t find them, yun nga vaccination [card].

"We were here earlier. I have to go back and get my vaccination [card], I found out I don’t have it and I just put it all in one place. Organized ako but…” ang napapailing na kuwento ni Melanie sa panayam sa kanya ng News5.

Continue reading below ↓

Nagsalita si Melanie na pupunta siya ngayong Linggo sa police station para i-report ang pagkawala ng kanyang mga alahas.

Nang banggitin sa kanya ng reporter ng News5 na Miss Universe Philippines Tourism ang titulo na napanalunan ng kanyang anak, “Oh I see…well congratulations. Sayang I was not able to watch it,” ang reaksyon ni Melanie.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinuwento ng former international beauty queen na si Melanie Marquez na hindi niya napanood ang pagrampa ng kanyang anak na si Michelle Dee sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 kagabi, Sabado, April 30, sa Mall of Asia Arena dahil hindi siya pinapasok ng security guards dahil hindi niya dala ang kanyang vaccination card. Bukod pa rito, nalaman niyang nilooban pala ang kanyang bahay at nawala ang kanyang mga alahas. (Screen grab from News5/TV5)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results