Watch Now

Leni Robredo at Sara Duterte, pareho kayang makoronahan sa May 9, 2022 elections?

by Jojo Gabinete
May 4, 2022
leni robredo sara duterte 2022 elections
May isang grupo sa Mindanao ang nagsusulong ng kandidatura nina Leni Robredo (kaliwa) at Sara Duterte (kanan) o RoSa. Kapwa babae kaya ang manaig para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa 2022 elections?
PHOTO/S: YouTube

Kasabay ng panahon ng kampanya ng mga kandidato para sa eleksyon sa May 9, 2022 ang beauty pageant season sa Pilipinas.

Hindi nakapagtatakang naimpluwensiyahan nito ang mga tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon gaya nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential contender Davao City Mayor Sara Duterte.

Noong April 22, 2022 mala-beauty pageant winner si Robredo sa Ceboom!, ang campaign rally ng partido niya sa Cebu City dahil sa kanyang suot na korona.

Sa tantiya ng mga awtoridad, halos 150,000 ang bilang ng mga kababayan natin sa Cebu na nagbunyi sa grand stage entrance ni Robredo habang may suot itong korona.

Nangyari rin ito noong April 18 sa kanyang kampanya sa Marinduque dahil sa koronang inilagay ni Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ulo niya.

leni robredo in marinduque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap naman ang miting de avance ng UniTeam sa Guimba, Iloilo nitong Martes ng gabi, May 3.

Tulad ng eksena ni Robredo sa Cebu, parang beauty queen din si Duterte nang putungan siya ni Ai-Ai delas Alas ng UniTeam crown na personal gift sa kanya ng Comedy Queen.

sara duterte ai-ai delas alas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nangyari ang crowning moment kay Duterte, nagsalita muna itong hindi siya ang pinakamatalinong kandidato pero siya ang pinakamaganda.

“Ako po si Sara Duterte. Hindi ako ang pinakamatalino o pinakamagaling na kandidato. Ako ang pinakamaganda, totoo ‘yan,” pabirong sabi ni Duterte.

“Wala tayong argumento diyan pero walang makakatalo sa akin sa tibay ng puso ko, lalo na sa paggawa ng mga mahihirap na desisyon para sa aking trabaho at para sa bayan,” pahayag pa niya na tumanggap ng malakas na palakpakan.

Masyadong passionate ang mga Pilipino sa mga usapin tungkol sa pulitika at kanilang pinepersonal ang bawat kilos at pananalita ng mga kandidato kaya ginawan nila ng isyu at paghahambing ang pagsusuot nina Roberdo at Duterte ng korona sa mga campaign rally.

Diumano, si Robredo ang tunay na reyna dahil prinsesa lamang si Sara.

Ito ay kahit may mga kababayan tayo sa Mindanao na nagsusulong sa tandem ng dalawa.

Si Senator Francis Pangilinan, ang vice presidential aspirant na running mate ni Robredo, samantalang si Duterte ang bise presidente ni Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong March 2022, inilunsad ang Robredo-Sara Movement o RoSa sa Mindanao bilang suporta sa kandidatura nina Robredo at Duterte.

Sina Robredo at Duterte ay kapwa nag-iisang babaeng kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, respectively, ngayong 2022 elections.

RELATED STORIES:

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May isang grupo sa Mindanao ang nagsusulong ng kandidatura nina Leni Robredo (kaliwa) at Sara Duterte (kanan) o RoSa. Kapwa babae kaya ang manaig para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa 2022 elections?
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results