Arthur Nery, natupad ang hiling na live performance sa Miss Universe Philippines 2022

by Jojo Gabinete
May 4, 2022
Arthur Nery, Miss Universe Philippines 2022
OPM singer Arthur Nery, nakakabighani ang pagharana sa Miss Universe Philippines 2022 candidates gamit ang original song niya na Isa Lang.
PHOTO/S: @arthurmneryy Instagram

Kasagsagan ng pandemya nang mapansin at sumikat ang mga kanta ng Cagayan de Oro-based singer na si Arthur Nery.

Dahil sa COVID-19 restrictions, nakikita lamang siya ng kanyang mga tagahanga sa virtual gigs niya.

Read: Arthur Nery, naungusan ang BTS sa Spotify; "Pagsamo" 32M views na sa YouTube

Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Arthur noong November 2021, ang makaharap nang personal ang fans ang kanyang pinapangarap.

"Gusto kong sabihin sa fans ko nang harap-harapan na thank you. I wanna express it as genuine as possible ‘coz I’m really thankful sa mga sumusuporta sa music ko.

"They’re always there kahit na I don’t post videos of me singing or I don’t update much on social media, they’re still there," sabi ni Arthur noon.

Kabilang si Arthur sa mga featured performer sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 na ginanap sa Mall of Asia Arena noong April 30, 2022.

Continue reading below ↓

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagtanghal siya sa isang national beauty pageant at malawak na venue.

Saksi kami sa malakas na palakpakan at hiyawan ng MOA Arena audience nang umakyat si Arthur sa stage.

At habang umaawit ito, sumabay ang manonood sa pagkanta niya—isang pruwebang may katotohanang kahit baguhan sa local music industry, siya ngayon ang biggest solo OPM male artist.

Ang "Isa Lang" ang bagong single ni Arthur na kabilang agad sa Top 50 playlist ng Spotify dahil meron na itong 18 million streams at 7 million views sa YouTube.

Ang "Pagsamo" ang unang hit song ni Arthur.

To date, may 60 million views ang official lyric visualizer ng "Pagsamo," 14 million views sa YouTube, at 73 million listens sa Spotify.

Kaya malayo na nga ang narating niya mula sa pagiging call center agent at online English tutor ng kanyang mga Japanese student.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM singer Arthur Nery, nakakabighani ang pagharana sa Miss Universe Philippines 2022 candidates gamit ang original song niya na Isa Lang.
PHOTO/S: @arthurmneryy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results