Robin Padilla, may mensahe kay Loren Legarda matapos itong itakwil ng sariling anak

by Jojo Gabinete
May 5, 2022
Robin Padilla, Loren Legarda
Robin Padilla to fellow senatorial aspirant Loren Legarda: "Ma’am Senator, talikuran man kayo ng mga taong malalapit sa inyo, hinding-hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan!"
PHOTO/S: Robin Padilla / Loren Legarda Facebook

Kasalukuyang nagaganap sa Tagum City, Davao del Norte ang miting de avance ng UniTeam nina presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr. at vice presidentiable Sara Duterte-Carpio.

Kasama nina Marcos at Duterte sa kanilang miting de avance ang mga showbiz personality at senatorial candidates ng UniTeam na sina former Senator Jinggoy Estrada at ang aktor na si Robin Padilla.

Senatorial bet din ng UniTeam si Deputy Speaker Loren Legarda pero wala siya sa nagaganap na miting de advance.

Kontrobersiyal ngayon si Legarda dahil sa pagtakwil sa kanya ng anak niyang si Lorenzo Leviste sa pamamagitan ng isang bukas na liham na ikinagulantang ng sambayanang Pilipino.

Read: Loren Legarda's son disowns her for supporting Ferdinand Marcos Jr.: "I am absolutely disgusted..."

OPEN LETTER FROM LOREN LEGARDA'S SON

Nag-ugat ang pagtatakwil ni Lorenzo sa sariling ina dahil hindi niya matanggap ang pag-anib ni Loren sa partido nina Marcos at Duterte.

Bahagi ng mabigat na paratang ni Lorenzo laban sa kanyang ina:

Continue reading below ↓

"I’m writing this weeks after learning the news that my mother, a woman named Loren Legarda, is running for senator on a slate led by a Marcos and a Duterte. She is endorsing fascists.

"For weeks I have been crying every day, screaming every day until I spat out blood. The decision she’s made is so profoundly unthinkable, unconscionable, unforgivable.

"In the last month, my entire life has collapsed. It is beyond a nightmare. I still cannot believe it and will never be able to accept it.

"For weeks I have been paralyzed in pain. But I have no choice but to publicly declare that I am absolutely disgusted by my mother and what she has decided to do. It sickens me and makes me want to die.

"I need everyone to know that Loren Legarda lost her son forever because of this. Paint her bright red with that shame. Don’t let her forget it.In the words of a wise woman: I don’t know her."

Continue reading below ↓

ROBIN SYMPATHIZES WITH LOREN

Ngayong gabi, ipinarating ni Robin ang kanyang suporta at simpatiya para kay Loren nang umakyat ang aktor sa entablado.

Sinabi ni Robin sa publiko na iniaalay niya kay Loren ang gabi ng kanilang miting de avance sa Tagum City.

"Mga mahal kong kababayan dito sa Tagum, itong gabi pong ito ay nais ko pong ialay sa isang kasama, sa isang senador ng UniTeam na si Senador Ma’am Loren Legarda.

"Sapagkat nais ko pong iparating sa inyo, Ma’am Senator, talikuran man kayo ng mga taong malalapit sa inyo, hinding-hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan!

"The sons and daughters of our beloved country will never forsake you!" mensahe ni Robin para kay Loren na sinalubong ng malakas na palakpakan at sigawan ng mga tao.

Sabay patutsada ni Robin sa mga kaalyado sa ibang partido: "Ingles ‘yan! Akala nung sa kabila, makakaya nila akong apihin? Hindi nila tayo kayang matahin."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla to fellow senatorial aspirant Loren Legarda: "Ma’am Senator, talikuran man kayo ng mga taong malalapit sa inyo, hinding-hindi kayo tatalikuran ng anak ng bayan!"
PHOTO/S: Robin Padilla / Loren Legarda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results