Ang sexy-drama movie na Breathe Again ang follow-up project ng former beauty queen na si Ariella Arida sa kanyang unang pelikula, ang kontrobersiyal na Sarap Mong Patayin.
Kinunan ang mga eksena ng Breathe Again sa karagatan ng Anilao sa Mabini, Batangas.
Ayon kay Ariella, masaya sa set ng kanilang pelikula na idinirek ni Raffy Francisco.
“Ang sarap mag-shooting na ganoon yung location. Iba yung naibibigay na vibe ng dagat, mas chillax.
“Nung pinitch sa akin yung karakter, tapos free diver ako, I’m super excited kasi it’s something that I want to try too.
"But we really, really had some trainings, me and Tony [Labrusca] together to do free diving.
“Akala ko, personally, it would be easy na parang makikita ng tao na parang sisisid ka lang sa swimming pool, sisisid ka lang sa malalim.
"Pero kailangan mo rin ng techniques especially kung as a role. Hindi siya basta-basta ginagawa without any proper training.
"Kaya ako, na-enjoy ko rin po kasi nagkaroon din ako ng free course sa free diving," kuwento ng Miss Universe 2013 3rd runner-up tungkol sa kanyang mga karanasan sa shooting ng Breathe Again.
Pagsasalarawan naman nina Direk Raffy sa pelikulang pinagbibidahan nina Ariella, Tony at Ivan Padilla, “It’s a hot film. We pushed boundaries here in terms of sexiness.”
Hindi rin itinanggi ng direktor na may mga nude scene sa Breathe Again, pero hindi niya sinabi kung sino sa tatlong artista ng kanyang pelikula ang matapang na naghubad.
“The core of the movie is about finding yourself. Breathing is a very personal thing, the way one person breathes is very different from another.
“And the journey of the narrative for the main character here is finding her breath again just to give you a clue kung what the movie is all about. It’s finding her own breath again,” dagdag na paliwanag ni Raffy.
Maituturing na isang advocacy movie ang Breathe Again dahil ipakikita sa pelikula ang pag-aalaga sa kapaligiran.
“Makikita natin yung mga anggulo na kagustuhan niya sa karagatan and caring for the environment so all of these are encapsulated in the sport of free diving.
“Ang ganda kasi ng karagatan ng Pilipinas if you only get to see it wow!” manghang-manghang sabi ni Direk Raffy.