Arci Muñoz, bumabawi dahil MIA sa tatlong rallies ng partido ni Alvin Patrimonio

by Jojo Gabinete
May 6, 2022
Arci Munoz
Kuha ang litrato sa kanan nang manood si Arci Munoz ng BTS concert sa Las Vegas, Nevada noong Abril. Nasa Hawaii siya sa kaliwang litrato na pinost niya noong Marso.
PHOTO/S: @ramonathornes Instagram

Bumalik na si Arci Muñoz mula sa kanyang matagal na pamamalagi sa Amerika kaya aktibo na siya muli sa pangangampanya para sa kandidatura niya bilang konsehal ng Cainta, Rizal.

Tumatakbo siya sa ilalim ng partido ng mayoralty aspirant at former PBA player na si Alvin Patrimonio.

READ: Alma Moreno, Arci Muñoz to run for councilor; Alvin Patrimonio for Cainta mayor, Teri Onor for Abucan vice mayor

Sa interbyu ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi ni Arci na hindi ito si Darna pero may magagawa siya sa kanilang bayan.

"Hindi po ako si Darna, pero ako po ay isang sergeant at trained reservist ng Philippines Air Force. May magagawa po ako para ma-obtain ang peace and order sa Cainta at at magiging boses ako ng lahat ng kababaihan!" ang pahayag ni Arci sa ABS-CBN News.

Marami sa kanyang mga kababayan sa Cainta ang nagulat na tuloy pala ang kandidatura ni Arci bilang konsehal dahil matagal na hindi siya nasilayan sa kanilang lugar na nais niya na paglingkuran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga residente ng Cainta, mas nakikita pa nila na nanonood si Arci sa U.S. concert ng sikat na Korean boy band na BTS, nagpapalitrato na kasama ang popular television host na si James Corden, bumibiyahe sa iba’t ibang states ng Amerika.

Ang mga social media post ng singer-actress ang kanilang pinanghahawakan na ebidensya.

READ: Arci Munoz is the ultimate fangirl at BTS Las Vegas concert

May mga nagkomento naman na baka raw hindi lamang namukhaan si Arci ng mga mamamayan ng Cainta sa tuwing nag-iikot siya sa kanilang bayan dahil lalong gumanda ang kanyang hitsura, na malaki na ang ipinagbago mula nang magsimula ang showbiz career niya.

Hindi naman itinatanggi ni Arci na matagal siya na nawala sa Pilipinas. Aminado si Arci na tatlong rallies/caucuses ng kanilang partido ang hindi niya napuntahan dahil sa kanyang pananatili sa ibang bansa.

Kaya bumabawi siya sa mga huling araw ng kampanya bago maganap ang halalan sa darating na Lunes, May 9, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuha ang litrato sa kanan nang manood si Arci Munoz ng BTS concert sa Las Vegas, Nevada noong Abril. Nasa Hawaii siya sa kaliwang litrato na pinost niya noong Marso.
PHOTO/S: @ramonathornes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results