Robin Padilla, Herbert Bautista, Jinggoy Estrada, may kanya-kanyang moment sa UniTeam miting de avance

by Jojo Gabinete
May 8, 2022
Robin Padilla, Herbert Bautista, Jinggoy Estrada at UniTeam miting de avance
(L-R) Sina Jinggoy Estrada, Robin Padilla, at Herbert Bautista ang ilan lang sa mga artistang dumalo sa UniTeam miting de avance na ginanap sa Paranaque City ngayong Linggo, Mayo 7, 2022.
PHOTO/S: Screen Grab from livestream on Facebook

Sina Robin Padilla, Herbert Bautista, at former Senator Jinggoy Estrada ang mga showbiz personality na kumakandidatong senador sa ilalim ng partido ng UniTeam nina Ferdinand Marcos Jr.at Sara Duterte.

Sa huling miting de avance ng UniTeam na ginanap sa Parañaque City ngayong Sabado ng gabi, May 7, 2022, may kanya-kanyang moment ang tatlong aktor.

Unang umakyat sa entablado si Robin na naging palaban sa kanyang talumpati nang himukin niya ang mga taong huwag matulog para mabantayan ang kanilang mga boto at makatiyak na si Marcos ang mananalo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Robin Padilla

Continue reading below ↓

“Kanina ho, artista tayo, ngayon, rebolusyonaryo na ho tayo. Mga mahal kong kababayan, kitang-kita na po natin na panalong-panalo na si Bongbong Marcos at si Inday Sara Duterte.

“Sa lahat ho ng lupalop sa Pilipinas na pinuntahan namin, ang lahat ng tao, ang isinisigaw, BBM-Duterte!

“Ngayon, mga kababayan, hahayaan po ba natin na mangyari sa atin ang 2016?

“Walang tulugan ito! Mga kababayan, tama na ang pakikialam ng mga dayuhan! Sa pagkakataong ito, tumindig tayo bilang mga Pilipino!

“Huwag tayong pumayag na madaya si Bongbong! Walang tulugan! Walang tulugan! Walang tulugan!

“Tandaan niyo, noong 2016, natulog lang tayo, put*ngina!

"Hindi na puwede iyan! Ngayon, babantayan na natin ang boto!” pahayag ni Robin na tumanggap ng malakas na palakpakan mula sa UniTeam supporters.

Ang tintutukoy ni Robin ay ang alegasyong dinaya umano si Marcos Jr. kaya si Leni Robredo ang nanalong bise presidente noong 2016.

Nagprotesta si Marcos at umakyat pa ito sa Supreme Court. Ngunit sa huli ay napagdesisyunan ng Korte Suprema na walang dayaang nangyari at lehitimo ang pagkapanalo ni Robredo.

Continue reading below ↓

Ngunit hanggang ngayon ay ipinagdidiinan ng kampo ni Marcos Jr. at ng kanyang mga tagasuporta na nadaya ang anak ng dating diktador n si Ferdinand Marcos.

Hindi naman napigilan ni Herbert na mapaluha nang pasalamatan nito ang pamilya niya na buong-buo ang suporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Herbert Bautista

Continue reading below ↓

“Ako rin po ay nagpapasalamat sa aking mga kapatid dahil walang tigil ang kanilang pagsuporta po sa akin.

“Sa akin pong kapatid na si Hero Bautista na kumakandidato ngayong konsehal sa Quezon City at sa akin pong kapatid na si Harlene Bautista na tumutulong sa aming dalawa.

“At ako po ay nagpapasalamat sa aking mga magulang. Papa, nandito na ako ngayon. Ikaw ang nagsimula, ikaw ay nagsimula bilang barangay tanod, kagawad, naging kapitan, naging konsehal, at ipinakita mo sa akin kung ano ang pagsilbi sa bayan.

“And Mama, maraming-maraming salamat Mama dahil ikaw ang nagturo ng disiplina sa akin.

“Pinalo mo ako, kinurot mo ako, ginising mo ako sa umaga para pumasok sa eskuwelahan at ikaw ang nagturo sa akin na dapat magpapakumbaba lagi at tumulong sa mga kababayan mo na nangangailangan,” napaluhang sabi ni Herbert na ramdam ang pangungulila sa kanyang mga namayapang magulang.

Nagpasalamat din si Jinggoy sa pamilya nito pero mapapansin na kahit nagsalita siya tungkol kay JV Ejercito, hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang half-brother na kumakandidato ring senador.

Continue reading below ↓

Jinggoy Estrada

“Ako po ay nagpapasalamat sa aking pamilya, higit sa lahat, sa aking mga magulang, si dating Pangulong Erap Estrada at aking ina, dating senador, dating Unang Ginang Loi Estrada na simula’t sapul nang ako po ay pumasok sa larangan ng pulitika, nandoon pa rin sila hanggang ngayon na walang tigil po ang kanilang suporta kahit anong landas po ang aking tahakin.

Continue reading below ↓

“Ang aking pamilya, ang aking asawa na si Precy, ang aking mga anak na si Janella, si Jolo, si Julian at si Jill. Sa tatlong buwan na pangangampanya, nandoon po lagi sila. Pumupunta sa iba-ibang probinsya para tulungan ako.

“Sa aking mga kapatid, nandiyan po si Jackie, nandiyan din po si Jude na hanggang ngayon, talagang halos hindi sila makatulog sa paghahanap ng pondo para lang meron akong magastos. Maraming salamat.

“At sa iba kong kapatid, si Jerika, si Tetchie, si Jojo, si Jake, kahit nasa kabila, okay lang yun. Si Jacob na talagang ang puso at damdamin, lagi po silang tumutulong sa akin.

“At dun din po sa isang kapatid ko na kahit ayaw sa akin, kapatid ko pa rin iyan. Mahal ko pa rin iyan. Kadugo ko pa rin iyan," makahulugang sabi ni Jinggoy pero hindi nga nito binanggit ang pangalan ni JV.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Sina Jinggoy Estrada, Robin Padilla, at Herbert Bautista ang ilan lang sa mga artistang dumalo sa UniTeam miting de avance na ginanap sa Paranaque City ngayong Linggo, Mayo 7, 2022.
PHOTO/S: Screen Grab from livestream on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results