Eleksyon 2022 Sidelights: Robin Padilla, mas gusto ng mga botante kumpara kay Chel Diokno; Bongbong Marcos at Harry Roque, di pumila?

by Jojo Gabinete
May 9, 2022
eleksyon 2022 sidelights
Iba't ibang mga eksena ang nasaksihan ngayong araw ng eleksyon, May 9, 2022.
PHOTO/S: Twitter / Instagram

Trending sa Twitter Philippines ang senatorial aspirant na si Robin Padilla sa araw ng pambansang halalan ngayong Lunes, May 9, 2022.

Hindi kasi makapaniwala ang supporters ni senatorial candidate Chel Diokno na mas marami ang diumano’y piniling iboto ang kontrobersiyal na aktor.

chel diokno robin padilla

Minsan nang sinubukan ni Robin na maglingkod sa bayan noong 1995 nang kumandidato siya bilang bise gobernador ng lalawigan ng Nueva Ecija, ngunit natalo siya.

Continue reading below ↓

May mga nagpahayag naman ng pagtataka sa nakakaintrigang social media post ng veteran actress na si Tetchie Agbayani na kasamahan ni Robin sa industriya.

Mensahe ni Tetchie sa kanyang Facebook post: “Good afternoon to all...except don sa boboto kay Robin Padilla”

Nilagyan niya ito ng laughing emojis.

tetchie agbayani robin padilla post

Kumakandidatong senador si Robin sa ilalim ng partido ng PDP-Laban. Suportado ni President Rodrigo Duterte ang kanyang kandidatura at kasama ang pangalan niya sa mga survey sa mga senatorial candidate na pinapaborang ihalal ng mga botante.

Continue reading below ↓

THE LONG LINES

Walang sikat at pantay-pantay ang lahat sa araw ng halalan.

Naranasang pumila nang matagal para makaboto ang mga kilalang personalidad gaya nina Vice President Leni Robredo, ang kanyang running-mate na si Senator Kiko Pangilinan at ang asawa nitong si Sharon Cuneta, at ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

sharon cuneta kiko pangilinan 2022 elections

Continue reading below ↓

Inintriga si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. na hindi umano pumila nang bumoto ito sa Batac, Ilocos Norte.

Ito ang dahilan kaya naglabas ng video at mga litrato ang supporters niyang nagpapakitang nakapila si Marcos Jr. habang naghihintay ng pagkakataong bumoto.

bongbong marcos

Tumanggap ng mga batikos si senatorial candidate Harry Roque dahil sa alleged viral photo nitong hindi siya pumila nang bumoto sa White Plains, Quezon City, pero tinawag niyang "fake news" ang akusasyon laban sa kanya.

Continue reading below ↓

“Hindi po totoo ang ikinakalat na balita. Nakakalungkot na hanggang halalan tuloy ang paninira sa akin.

“Ako po ay pumunta sa presinto bilang isang ordinaryong mamamayan hindi po kandidato.

"Nagtanong lang po ako ng aking presinto. Malakas lang po ang aking boses.Hindi ako galit,” depensa ni Roque sa sarili niya.

harry roque

Continue reading below ↓

First nominee ng Malasakit at Bayanihan Partylist ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador.

Number 43 sa balota ang Malasakit at Bayanihan Partylist kaya nagulat si Phillip nang bumoto ito dahil number 43 siya sa listahan ng presinto na kanyang pinuntahan.

Nagsimba muna si Manila City Mayor Isko Moreno sa simbahan ng Sto. Niño sa Tondo, Manila bago siya pumunta sa Magat Salamat Elementary School para iboto ang sarili bilang pangulo ng Pilipinas.

isko moreno

Continue reading below ↓

Matapos bumoto sa Novaliches, namalagi si Alfred Vargas sa headquarters nila ng kanyang kapatid na si PM Vargas para i-monitor ang nagaganap na halalan sa kanilang distrito.

Kumakandidato si Alfred na konsehal at si PM bilang house representative ng District V ng Quezon City.

Nagkaroon ng isyu ang kandidatura ng magkapatid nang makatanggap sila ng death threats ilang araw bago nangyari ang eleksyon ngayong Lunes.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES:

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iba't ibang mga eksena ang nasaksihan ngayong araw ng eleksyon, May 9, 2022.
PHOTO/S: Twitter / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results