Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race

by Jojo Gabinete
May 10, 2022
robin padilla
Robin Padilla: "Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma."
PHOTO/S: YouTube

Patuloy na nangunguna sa senatorial race ang aktor na si Robin Padilla kaya binati na siya ng “congratulations” ng broadcast journalist na si Jessica Soho.

Read: #PhElections2022: Marcos Jr., Duterte widen lead; Padilla, Legarda lead senatorial race

Sa live interview kay Robin ni Jessica sa pamamagitan ng Zoom na napanood sa GMA-7 nitong Lunes ng gabi, May 9, 2022, sinabi ng aktor na hindi nito inaasahang siya ang mangunguna sa senatorial race dahil sa kawalan niya ng makinarya at pera.

Pahayag ng future senator, “Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano.

"Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano... pera. Wala. Hindi ko po inaasahan ito.

"Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulung-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.

"Tulong ng katipunan, tulong ng mga rebolusyonaryo. Yun lang po, wala akong inaasahan."

Continue reading below ↓

Si Robin, kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay inendorso ng Pangulo nitong 2022 elections. Siya rin ay kabilang sa senatorial lineup ng Uniteam nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Tinanong ni Jessica si Robin kung bakit siya umangat sa number one ng senatorial race.

Sagot ng aktor, “Naniniwala po ako na yung plataporma ko na charter change, yung federalismo, yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagawa ng ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, dun po ako naniniwala.

"Hindi po ako nangungumbinsi nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari..."

Sinamantala ni Robin ang pagkakataon para pasalamatan ang lahat ng mga sumuporta sa kanyang kandidatura na pinaniniwalaan niyang nakikiisa sa kagustuhang magkaroon ng pagbabago sa saligang batas.

“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat po ng mga nagtiwala sa atin. Sa lahat po ng lumabas, bumoto para po sa akin, at naging matagumpay po ang eleksyon na ito.

Continue reading below ↓

“Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma.

“Yun pong ating ipinaliwanag na patungkol po sa pagpapalit ho ng saligang batas, yung charter change. Yun po ang plataporma natin na inihayag sa taumbayan,” saad niya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla: "Ang pakiramdam ko po ay masaya, siyempre po, pero mas higit po yung responsibilidad na nakaakibat po sa atin sapagkat alam ko naman po, batid ko naman po na itong tagumpay na ito, hindi po ito patungkol kay Robin Padilla kundi tagumpay po ito ng reporma."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results