Robin Padilla, bakit trending pa rin at dawit ang "Wonderful Tonight"?

by Jojo Gabinete
May 10, 2022
Robin Padilla
Action star Robin Padilla, sigurado na ang pagkapanalo base sa kanyang number one slot sa Magic 12 ng senators sa partial tally ng election results. Kasabay nito ay trending pa rin ang comments ng netizens na bumabatikos sa aktor.
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook / Screengrab (CTTO)

Sigurado na ang tagumpay ni Robin Padilla bilang elected senator sa pambansang halalan na naganap kahapon, May 9, 2022.

READ: Robin Padilla, di makapaniwala sa pangunguna sa senatorial race

READ: Robin Padilla, Richard Gomez, Arjo Atayde, other celebs triumph in 2022 elections

Pero hindi pa rin makapaniwala ang mga supporter ng defeated senatorial aspirant na si Chel Diokno at ng mga Kakampink na mas piniling iboto ng karamihan sa mga Pilipino ang controversial action star.

Si Robin, na kilalang solid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay inendorso ng Pangulo nitong 2022 elections. Siya rin ay inendorso ng Uniteam teamup nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Si Diokno ay isa sa mga senador na inendorso ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Isang araw matapos idaos ang eleksyon, trending pa rin ang pangalan ni Robin sa Twitter Philippines at sa ibang mga social media platform dahil sa pangunguna niya sa senatorial race.

Continue reading below ↓

Robin Padilla

Damay sa tagumpay ni Robin ang "Wonderful Tonight," ang 1977 hit song ng British singer na si Eric Clapton.

Kung associated sa mga tagasuporta nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang "Break Free" ni Ariana Grande, ang "Wonderful Tonight" naman ang nagpapaalala kay Robin sa karamihan.

Ang "Wonderful Tonight" ang official campaign song ni Robin, at para sa mga supporter nito, tunay na wonderful para sa aktor ang gabi ng May 9 dahil sa kanyang hindi inaasahang tagumpay.

Continue reading below ↓

Marami naman sa kanila ang nagpahayag na ayaw muna nilang marinig ang "Wonderful Tonight" dahil tinalo ng aktor ang kanilang sinusuportahang kandidato.

Ilan sa mga mensahe ng netizens na hindi pabor sa pangunguna ni Robin sa Magic 12 ng senators:

"Actually, it’s okay na makapasok si Robin sa senate. I’ve watched some interviews and mas marunong pa nga s’ya na sumagot kesa kay Pacquiao pero number one?

"Hahaha, wonderful tonight yarn.

"Hello sa mga nag-vote kay Robin Padilla, you don’t look wonderful tonight.

"Nakailang rejections ako sa pag-a-apply ng work tapos si Robin kumanta lang ng Wonderful Tonight, nanalo na, Top 1 pa.

"Feeling ko yung mga natuwa sa budots ni Bong Revilla, mga bumoto kay Robin dahil sa Wonderful Tonight niya.

"Why Robin?!!! Ba’t hindi si Diokno?!!! Goodbye Pilipinas, happy Wonderful Tonight.

"Please lang, wag n’yo tanggalin ang Wonderful Tonight ni Robin sa YouTube. ‘Yun lang ang nagpapasaya sa akin at Robin, I don’t feel wonderful tonight..."

Continue reading below ↓

Pero tiyak na ang pagkakaroon ng "wonderful night and day" ng aktor na hindi rin makapaniwala sa nag-uumapaw na suportang natanggap na gagamitin niya para patunayan sa lahat na karapat-dapat siya sa posisyon na ipinagkatiwala sa kanya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Action star Robin Padilla, sigurado na ang pagkapanalo base sa kanyang number one slot sa Magic 12 ng senators sa partial tally ng election results. Kasabay nito ay trending pa rin ang comments ng netizens na bumabatikos sa aktor.
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook / Screengrab (CTTO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results