Emmanuel Pacquiao Jr., panganay ni Pacman, wagi sa second boxing fight

by Jojo Gabinete
3 days ago
Emmanuel Pacquiao Jr. fight
Talo man sa pulitika si Manny Pacquiao, panalo naman ang anak niyang si Emmanuel Pacquiao Jr., a.k.a. Jimuel, se second boxing fight nito sa U.S.
PHOTO/S: @pacquiao.emmanuel @jinkee on Instagram

Hindi nanalo si Manny Pacquiao sa presidential bid niya sa pambansang halalan noong May 9, 2022, pero nagwagi sa amateur fight ang kanyang panganay na anak na si Jimuel.

Unanimous decision ang pagkapanalo niya sa Mexican boxer na si Jonathan Barajas sa naging laban nila noong Huwebes, May 12 (Friday the 13th, Manila time), sa Montebello Country Club sa Montebello, California.

Emmanuel Pacquiao Jr. at his second fight in Los Angeles, California

Continue reading below ↓

Pinost sa Instagram ni Manny noong May 3 ang fight ng anak.

Sabi niya sa caption: "Here 'comes Manny Jr! @pacquiao.emmanuel."

Ang 360 Promotions ni Tom Loeffler ang promoter ng Pacquiao-Barajas fight na tinawag na special attraction amateur bout ng Hollywood Fight Nights.

Ang panalo ni Jimuel sa laban nila ni Barajas ang kanyang pangalawang tagumpay sa amateur boxing sa Amerika.

Continue reading below ↓

Nagwagi rin siya sa match nila ng Mexican-American boxer na si Andres Rosales noong March 12, 2022.

Agad siyang binati sa Instagram ng kanyang ama, na noo'y abala sa pangangampanya para sa kanyang kandidatura:

"Congratulations to my son @pacquiao.emmanuel on fighting and winning his first U.S. amateur fight at junior welterweight! I’m so proud of you. #TeamPacquiao."

Emmanuel Pacquiao Jr. wins his first boxing fight on March 12, 2022

Continue reading below ↓

Emannuel Pacquiao at hist first fight in the House of Boxing in San Diego, California.

Sa dalawang magkasunod na panalo ni Jimuel, tuwang-tuwa rin ang kanyang ina na si Jinkee, na noong una ay maraming beses na iniyakan ang desisyon ng anak niya na sundan ang yapak ni Manny sa boxing.

Sa interbyu ni Manny sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2016, sinabi niyang mas pipiliin niyang pasukin ng kanyang 21-year-old panganay at dalawa pang lalaking anak ang pulitika kesa boxing.

Continue reading below ↓

"Depende kung anong gusto nila...Definitely not boxing, mahirap yun. Siguro sa pagiging public servant."

Pero wala silang nagawa ni Jinkee nang sabihin ni Jimuel na passion nito ang boxing, at gusto niyang maging kinatawan ng Pilipinas bilang isang atleta.

Saad ni Jinkee sa Instagram kahapon, May 13, 2022, "Salamat sa Ginoo na nidaug ka sa imong ikaduha na amateur fight. I love you and I miss you so much anak ko! See you soon!”

Emmanuel Pacquiao Jr. at his second fight in Los Angeles, California

Continue reading below ↓

Tulad ng kanyang ama, ang former boxer na si Freddie Roach ang trainer ni Jimuel. Hindi na nakauwi ng Pilipinas si Jimuel para tumulong sa presidential campaign ni Manny dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang boxing training.

Bago nagdesisyon na mag-concentrate sa boxing, nagkaroon si Jimuel ng short-lived showbiz career nang pumirma siya ng kontrata noong 2020 sa Star Magic, ang talent agency ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talo man sa pulitika si Manny Pacquiao, panalo naman ang anak niyang si Emmanuel Pacquiao Jr., a.k.a. Jimuel, se second boxing fight nito sa U.S.
PHOTO/S: @pacquiao.emmanuel @jinkee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results