Posts about James Reid's "rumored boyfriend," fake news; who's the guy?

by Jojo Gabinete
May 15, 2022
James Reid kissing photo fake news
Isang video na kuha sa birthday party ni James Reid ang pinagmulan ng fake news tungkol "rumored boyfriend" ng aktor.
PHOTO/S: @james on Instagram (L); Tiktok (middle and R)

Biktima si James Reid ng mga malisyosong balita dahil sa kumakalat na video na nagpapakitang hinalikan niya sa pisngi ang isang lalake.

Kuha ito sa kanyang birthday party. Nagselebra ang aktor ng kanyang 29th birthday noong May 11, 2022.

Pinagpasa-pasahan ng fake news purveyors sa social media, particularly sa TikTok, ang video na nilagyan nila ng mga caption stickers na:

  • "James' Rumored Boyfriend"
  • "James Reid, nilantad na ang kanyang tunay na kulay"
  • "Birthday Party with his new boyfriend"

Ang mga gamit nilang hashtag ay #JaJa.

James Reid kissing video

Continue reading below ↓

Kung tutuusin, napakadali lang mag-imbestiga. Pero pipiliin ng ilang content producers ang headline tungkol "boyfriend" ng aktor dahil mas makaka-attract ito ng views at reactions.

Sadly, may mga naniniwala talaga sa fake news base na rin sa mga comments.

Comments on James Reid kissing video

Para sa mga naniwala sa mga sabi-sabi at sa mga walang bait sa sarili, James din ang pangalan ng mystery guy na bineso ni James.

Continue reading below ↓

Dun nanggaling ang hashtag na #JaJa.

Business partner siya ng 29-year-old singer-actor sa kanilang kompanya, ang Brooklyn Industries Group.

At para sa mga madaling mabiktima ng fake news, normal sa Italian at Australian men ang makipag-beso-beso sa kapwa lalake kaya hindi big deal ang paghalik na ginawa ni James sa kanyang kaibigan.

In fact, kasama ng kaibigan ni James ang girlfriend nito nang magdiwang ng kaarawan ang aktor.

At para pa rin sa kaalaman ng lahat, hindi lamang si James ang may ugali na makipag-beso-beso sa lalake dahil dati na itong ginagawa ni Tonton Gutierrez sa male friends nito.

Pinagtatawanan lamang ng mga kaibigan ni James ang kumakalat na fake news dahil alam nila ang katotohanan bilang mga bisita rin sila sa nakaraang birthday celebration ng aktor.

READ:

Inside James Reid's PHP82-M house now up for sale

Anong reaksiyon ni James Reid sa nababalitang bagong BF ni Nadine Lustre?

Isang nagmamalasakit na kaibigan ni James ang hindi nakatiis at nagpaliwanag sa Facebook para ituwid ang paninirang-puri sa dalawang James.

Continue reading below ↓

Aniya, "James Reid and James Thomas have been very good friends for a while now. He is also his business partner at Brooklyn Industries Group, Pop Up Katipunan, and Notorious Concepts.

"James [is] very amused by the reactions, we’re happy that you’re happy for his "new relationship."

"But sadly no, #JaJa is not true.

"James reaction at Tiktok was priceless. I hope you all had a good laugh like we did."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang video na kuha sa birthday party ni James Reid ang pinagmulan ng fake news tungkol "rumored boyfriend" ng aktor.
PHOTO/S: @james on Instagram (L); Tiktok (middle and R)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results