Ang dalawang thanksgiving events na naganap noong May 13

by Jojo Gabinete
May 16, 2022
Leni Robredo Bongbong Marcos thanksgiving event
Nag-hold ng kani-kanilang thanksgiving events sina Leni Robredo (L) at Bongbong Marcos (R) noong May 13, 2022. Yung isa ay sa Quezon City; yung isa ay sa Pasay City.
PHOTO/S: Yvette Fernandez on Facebook; Screen Grab from Facebook Live of Bonito Singson Fanpage

Kasama ang tatlong anak na babae, lumipad sa New York City nitong Sabado, May 14, 2022, si Vice-President Leni Robredo para dumalo sa graduation ng anak niyang si Jillian, na may double degree sa Mathematics at Economics mula sa New York University.

Nagulat ang mga pasaherong nakasabay sa eroplano ng mag-iina dahil bumiyahe ang mga ito sa economy class ng Korean Air.

Nanibago ang mga pasahero dahil sa panahong ito, na ang mga pulitiko ay kadalasang napapaligiran ng entourage, kabilang na ang bodyguards, ang bise-presidente ng Pilipinas ay nasa economy class kunsaan naroon ang pinakamurang mga upuan.

Umalis ng bansa si Robredo isang araw matapos ang thanksgiving rally ng TRoPa (Team Robredo-Pangilinan), na ginanap noong Biyernes, May 13, sa Ateneo de Manila University, na dinaluhan ng kanilang supporters, kasama na ang mga artistang certified Kakampink.

Kasabay ng thanksgiving rally ng TRoPa noong Friday the 13th ang thanksgiving dinner ni presumptive Philippine President Ferdinand Marcos Jr., na idinaos sa Seascape Village, CCP Complex, Pasay City, na katabing-katabi ng Manila Film Center, isa sa pinaka-kontrobersiyal na proyekto ni former First Lady Imelda Marcos noong 1982.

Continue reading below ↓

By invitation ang Marcos thanksgiving dinner.

Ayon sa isang imbitado na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Ni wala yatang press. May mga nag-Facebook live, pero most people went there to eat and listen to the speech of BBM."

Hindi sinasadyang malaman namin ang naganap na thanksgiving dinner nang may nag-imbita sa amin nung isang gabi, May 14, sa Seascape Village rin.

Ang mga nagtitinda ng seafood sa Seascape Village ang nagkuwento sa aming mga 600 ang bilang ng mga taong imbitado sa Marcos dinner, na nagsimula ng 7 ng gabi at nagtapos bago maghating-gabi.

Base sa Facebook post ni direktor Paul Soriano, dumalo siya sa dinner kasama ang asawang si Toni Gonzaga, na tinawag ni BBM na isang "brave and elegant lady."

Pinasalamatan din ng presumptive president si Paul.

Toni Gonzaga and Paul Soriano with Bongbong Marcos

Continue reading below ↓

Nasa dinner din si Jan Marini Alano, na nag-post din ng photos sa kanyang Facebook account.

Sinabi ng waiter na mahigpit ang seguridad sa Seascape Village noong Biyernes ng gabi at off-limits sa ibang mga customer ang lugar.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-hold ng kani-kanilang thanksgiving events sina Leni Robredo (L) at Bongbong Marcos (R) noong May 13, 2022. Yung isa ay sa Quezon City; yung isa ay sa Pasay City.
PHOTO/S: Yvette Fernandez on Facebook; Screen Grab from Facebook Live of Bonito Singson Fanpage
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results