Watch Now

Isabel Rivas, naka-bonding si Alice Dixson sa kanyang farm sa Zambales

by Jojo Gabinete
May 16, 2022
Isabel Rivas, Alice Dixson
Paglalarawan ni Isabel Rivas sa kapwa kontrabida sa First Lady na si Alice Dixson: "Alice is a very nice person, full of laughter and happiness. Masaya siya na kasama, tatawa ka talaga sa kanya."
PHOTO/S: Instagram

Mapapanood na ngayong Lunes ng gabi, May 16, 2022, ang pinakaabangang presidential debate sa pagitan ng mga karakter na ginagampanan nina Sanya Lopez (Melody Acosta) at Isabel Rivas (Senator Allegra Trinidad) sa First Lady, ang top-rating romance-drama-comedy series ng GMA-7.

Sanya Lopez, Isabel Rivas, First Lady

Sina Isabel at Alice Dixson ang dalawa sa mga karakter ng programa na kinamumuhian ng televiewers dahil sa pagpapahirap na ginagawa nila kay Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tunay na buhay, magkakaibigan ang tatlo, at lalong lumalim ang kanilang magandang samahan nang magkasama sila sa loob ng mahigit na dalawang buwan sa lock-in taping ng First Lady.

Si Isabel ang nagkuwento na muli silang nagkasama ni Alice nang bumisita ito sa kanyang farm sa Zambales.

"Sumunod si Alice sa farm baby A, her dog Blondie who’s so cute, her driver, and yaya straight from the airport from Maldives, kunsaan nag-vacation siya with her husband.

"She has seen the farm noong nag-uumpisa pa lamang siya. She enjoyed it kasi gusto rin ni Alice na i-develop ang kanyang farm sa province niya.

"She asked many questions and I’m very happy to share anything na mase-share ko.

"Alice is a very nice person, full of laughter and happiness. Masaya siyang kasama, tatawa ka talaga sa kanya," pagbabahagi ni Isabel, na isang successful businesswoman at farmer.

Alice Dixson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Isabel Rivas, ipinamigay ng tunay na ina noong sanggol pa lang siya

ON LOCK-IN TAPING EXPERIENCE

Ayon kay Isabel, ang kanyang mga apo at mga kaibigan ang nami-miss niya habang nasa lock-in taping siya.

Isa sa celebrity friends niya na si Lorna Tolentino ay bahagi naman ng FPJ’s Ang Probinsyano, na karibal na programa ng First Lady.

Pero na-enjoy pa rin daw ni Isabel ang mga bagong karanasan niya sa lock-in taping ng First Lady.

"Ang new learnings ko sa lock-in taping is my capacity to stay put in one place. Hindi ko masyadong kaya ang matagal. I get really agitated not doing anything pero hindi ka makalabas.

"I realized that when push comes to shove, I will endure. I can say I did endure all the hardships ng lock-in taping and the fun of it too.

"Walang sayang dahil sabi nga, when there are trials, there’s a way to find a solution.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unforgettable yung nagwa-walk kami around the area. The talks we had while walking," saad niya.

ON HER CLOSENESS WITH FIRST LADY CAST

Hindi naranasan ni Isabel na magkaroon ng separation anxiety nang makauwi na siya sa kanyang tahanan, pero umiyak siya nang magpaalam sa co-stars niya sa First Lady.

"Hindi naman ako nagkaroon ng separation anxiety kasi I was ready to go home dahil miss na miss ko na ang mga apo ko.

"Pero nung last sequence na, umiyak ako after the take. I was very emotional of the scene and everything na uuwi na kami.

"Iyak ako nang iyak. Niyakap ko lahat sila, lalo na si Glenda Garcia na very nice talaga…" kuwento ni Isabel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglalarawan ni Isabel Rivas sa kapwa kontrabida sa First Lady na si Alice Dixson: "Alice is a very nice person, full of laughter and happiness. Masaya siya na kasama, tatawa ka talaga sa kanya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results