Tutti Caringal, wagi bilang board member sa Laguna; Claudine Bautista-Lim, nahalal muli sa Kongreso

by Jojo Gabinete
May 16, 2022
Tutti Caringal Claudine Bautista-Lim
6Cyclemind vocalist Tutti Caringal and Claudine Bautista-Lim win their respective election bid.
PHOTO/S: Instagram

Ang 6cyclemind vocalist na si Tutti Caringal ang karagdagan sa listahan ng mga entertainment personality na nanalo sa halalang naganap noong May 9, 2022.

Nanalo si Tutti bilang board member ng second district ng lalawigan ng Laguna na sumasaklaw sa mga bayan ng Bay, Los Baños, Cabuyao, at Calamba City.

Naging kontrobersiyal ang kandidatura at pangangampanya ni Tutti noong nakaraang buwan dahil sa kanyang pagkandong sa isang female supporter niya.

Hindi ikinatuwa ng Commission on Human Rights at ng Gabriela Party-list ang ginawa ni Tutti. Pure fun lamang ang depensa ng singer sa sarili.

Read: Pagkandong ni Tutti Caringal sa isang babae sa rally, "pure fun" o "distasteful"?

Bukod kay Caringal, nahalal din bilang board member ng 1st District ng Laguna ang aspiring actor na si Danzel Fernandez, ang anak nina Dan Fernandez at Shiela Ysrael.

Continue reading below ↓

Elected board member naman ng second provincial district ng Nueva Ecija ang Kapuso actor na si Jason Abalos.

Nagwagi rin sa nakaraang pambansang halalan ang Dumper PTDA Party-list na pinangungunahan ni Representative Claudine Bautista-Lim.

Read: Enchong Dee, special mention sa campaign speech ni Claudine Bautista-Lim

Pinasalamatan ni Bautista-Lim ang lahat ng sumuporta sa kanilang party-list sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Continue reading below ↓

Nakasaad dito: “Maraming salamat sa walang sawang suporta, mga ka-DUMPER! Makakasiguro po kayo na lahat kasama at walang maiiwan. Lagi niyong kaagapay ang DUMPER PTDA Partylist sa anumang biyahe ng buhay!

“Hindi niyo kami iniwan at hindi rin namin kayo iiwan! Sa kongreso, susulong na tayo tungo sa tuloy-tuloy na pag-asenso ng bawat Pilipino.”

Naging kontrobersiyal din si Bautista-Lim dahil sa P1 billion cyber libel case na isinampa niya laban kay Enchong Dee noong 2021.

Nag-ugat ang demanda ni Bautista-Lim kay Enchong dahil sa tweet nito noong August 2021 tungkol sa pagpapakasal ni Bautista-Lim sa Balesin island.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
6Cyclemind vocalist Tutti Caringal and Claudine Bautista-Lim win their respective election bid.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results