Disappointed ang ilan sa Filipino viewers ng Bling Empire dahil umasa silang mapapanood nila si Heart Evangelista sa Season 2 ng sinusubaybayang reality show sa Netflix.
Tungkol sa buhay ng mga mayayamang East Asian at East Asian-American socialites sa Los Angeles, California ang Bling Empire.
Nagsimula ang streaming ng Season 2 nito sa Netflix noong May 13, 2022.
Currently, No. 3 sa Top 10 shows ng Netflix USA ang reality program na may walong episodes at matiyagang pinanood ng mga Pilipino dahil sa maling akalang kasama si Heart sa cast.
“Not anytime soon,” tweet ni Heart noong May 5 tungkol sa napapabalitang paglabas niya sa Bling Empire.
Pero sa interbyu ng South China Morning Post noong November 2021 sa cast member ng Bling Empire na si Christine Chiu, nagsalita ito tungkol sa Filipina actress.
Si Christine ay may net worth na US$80 million at kaibigan siya ni Heart.
Nang tanungin tungkol sa posibleng partisipasyon ni Heart sa Bling Empire, walang kumpirmasyon ang sagot ni Christine pero pinuri niya ang Filipina actress.
Pahayag niya, “Heart Evangelista is exactly that — all heart. This woman is so lovely, generous, kind and compassionate.
“She was introduced to the group through Kane and despite her public popularity, is very humble and genuine.
“I am forever grateful for her genuineness and speediness in supporting me on DWTS [Dancing with the Stars] by promoting it on her social media. She is that kind of person — one that is always game to celebrate friends.”
Kasali sa Bling Empire si Kane Lim, ang American-Singaporean investor, collector, at reality star na may net worth na US$20 million.
Si Kane ay kaibigan ni Heart at siyang nagpakilala kay Christine sa Filipina actress.
Si Kane ang isa sa pinakakontrobersiyal na cast member ng Bling Empire dahil sa pagiging intrigero nito kaya nagkaroon ng iringan at hidwaan ang ibang mga kasama niya sa programa.