Proclamation ng Magic 12 sa Senado, inaasahang magiging family affair

by Jojo Gabinete
May 17, 2022
Robin Padilla, Raffy Tulfo, Loren Legarda, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, Comelec, #PHElections2022
Kabilang sa itatanghal na Magic 12 sa Senado sina Robin Padilla, Raffy Tulfo, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Loren Legarda. Inaasahang kasama ni Escudero ang misis na si Heart Evangelista, habang si Legarda ay posibleng samahan ng anak na si Leandro.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Pormal na ipoproklama ng Commissions on Elections (Comelec) ang labindalawang senador na nanalo sa pambansang eleksyon noong May 9, 2022.

Mangyayari ang proklamasyon sa Philippine International Convention Center bukas, Miyerkules ng hapon, May 18, 2022.

Ang itatanghal na Magic 12 sa Senado: Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Win Gatchalian, Chiz Escudero, at Mark Villar.

Pasok din sina Alan Peter Cayetano, Migz Zubiri, Joel Villanueva, JV Ejercito, Risa Hontiveros, at Jinggoy Estrada.

Imbitado sa magaganap na proklamasyon sina President Rodrigo Duterte, Vice-President Leni Robredo, Senate President Tito Sotto, House Speaker Lord Allan Velasco, at Chief Justice Alexander Gesmundo kaya magiging mahigpit ang seguridad sa PICC.

Inaasahang hindi makararating si Robredo dahil bumiyahe siya sa New York para sa graduation ng kanyang anak na si Jillian sa NYU.

Filipiniana at Barong Tagalog ang dress code para sa naturang pagtitipon. Mahalaga ring dala ng attendees at guests ang kanilang mga vaccination card para makapasok sila sa venue.

Continue reading below ↓

Limang tao ang puwedeng isama ng bawat nanalong senador.

Ayon sa isang malapit kay Robin Padilla, isasama ng aktor sa PICC ang mga kapatid na sina Rommel, Rowena, at ang hipag niyang si Kaye dahil nasa ibang bansa ang kanyang asawa na si Mariel Rodriguez at ang kanilang dalawang anak.

Sinabi naman ni Jinggoy Estrada sa Cabinet Files na isasama niya sa proklamasyon ang kanyang misis na si Precy at ang kanilang mga anak na sina Janella, Jolo, Julian, at Jillian.

Jinggoy Estrada

Continue reading below ↓

Hindi pa matiyak ni Jinggoy kung makadadalo ang kanyang mga magulang, sina former Philippine President Joseph Estrada at former First Lady and Senator Dr. Loi Ejercito.

Labis na ikinatuwa ng dating Pangulo Estrada na parehong nahalal na senador ang mga anak na sina Jinggoy at JV Ejercito.

Isasama naman ni Raffy Tulfo sa panunumpa nito bilang first-time senator ang misis niya, ang ACT-CIS Partylist Representative na si Jocelyn Tulfo.

Kasama rin ni Tulfo ang mga anak na sina Maricel at Ralph. Si Ralph ay mapalad na nahalal bilang Quezon City District 2 representative.

Raffy Tulfo

Continue reading below ↓

Tinanong ng Cabinet Files ang isang malapit kay Loren Legarda tungkol sa miyembro ng pamilya na isasama nito sa proklamasyon.

Ayon sa source, posibleng ang anak ni Loren na si Leandro ang makasama ng former broadcast journalist.

Inaasahan namang isasama ni Francis "Chiz" Escudero sa panunumpa nito bilang bagong halal na senador ang misis niyang si Heart Evangelista at ang kanyang kambal na anak na sina Cecilia at Joaquin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa itatanghal na Magic 12 sa Senado sina Robin Padilla, Raffy Tulfo, Chiz Escudero, Jinggoy Estrada, at Loren Legarda. Inaasahang kasama ni Escudero ang misis na si Heart Evangelista, habang si Legarda ay posibleng samahan ng anak na si Leandro.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results