Veteran singer Rey Valera, naglabas ng sama ng loob laban sa isang concert producer

by Jojo Gabinete
May 19, 2022
rey valera concert
Rey Valera: “Mahirap magtiwala kung kani-kanino at minsan, kakilala mo na at matagal mo nang kasama... Hindi budol ang salita, e. Nakakaramdam ka pa rin ng lamangan, something like that.”

Hindi napigilan ng veteran singer-songwriter na si Rey Valera na maglabas ng sama ng loob nang ikuwento niya ang galit na nararamdaman para sa isang concert producer.

Hindi binanggit ni Rey ang pangalan ng concert producer at hindi rin siya nagsalita tungkol sa pinag-ugatan ng hidwaan nila, pero ramdam na ramdam ang kinikimkim niyang galit.

“Mahirap magtiwala kung kani-kanino at minsan, kakilala mo na at matagal mo nang kasama...

"Hindi budol ang salita, e. Nakakaramdam ka pa rin ng lamangan, something like that,” malumanay ang boses na umpisang salaysay ni Rey.

Patuloy ng beteranong singer, "At sabi ko nga, alam niyo siguro yung istorya ko. Merong isang producer diyan na talagang matagal na naming kasama.

“Ako na talaga yung umayaw. Sabi ko, kahit sino, huwag lang yung tao na yun. May atraso sa akin yun, galit ako talaga.

“Hindi ko sasabihin kung sino. Basta ang sasabihin ko lang sa inyo, ang tindi ng sama ng loob ko sa tao na yun.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng entertainment press si Rey sa media conference ng Four Kings and A Queen na naganap kahapon, May 18, 2022.

Ayon kay Rey, malayo raw sa taong hindi niya pinangalanan ang producer ng Four Kings and A Queen concert na si Pia Amore Legaspi ng Amore Entertainment.

Saad niya, “Si Pia naman, nang makausap ko siya, minsan ko lang siya nakausap, ang banggit niya sa akin, ‘Kababayan kita.’

“Yung bahay ko, nasa gilid ng simbahan, yung bahay nila, nasa likod ng simbahan.

“Alam ko na yung kababayan ko, hindi naman ako bubudulin siguro. Meaning, magaan ang loob ko."

Ang Four Kings and A Queen ay ang U.S. concert series nina Rey, Hajji Alejandro, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, at Pops Fernandez.

pia amore

Continue reading below ↓

Pia Amore Legaspi (third from right) with Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, Pops Fernandez, Marco Sison, and Rey Valera

Baguhang concert producer si Pia—na nagdiriwang ngayon ng kaarawan kaya binati at inawitan siya kahapon ng birthday song sa idinaos na presscon—pero pinagtiwalaan kaagad siya ng mga nabanggit na singer dahil sa magandang reputasyon niya at ng kanyang kompanya sa Amerika.

Si Pia rin ang producer ng mga successful concert nina Bamboo at Arnel Pineda (First Light), Lani Misalucha at Nonoy Zuñiga (Timeless Seasons), at ng My 40 Years, ang 40th anniversary show ni Sharon Cuneta sa Alex Theater sa Glendale, California.

SHARON'S MEMORABLE CONCERT

Memorable kay Pia ang concert ni Sharon noong March 30, 2019 dahil na-delay ito ng apat na oras nang magkaroon ng aberya ang AirCanada plane na sinakyan ng singer-actress mula Toronto, Canada papunta sa Los Angeles, California.

Read: Sharon Cuneta, apat na oras pinaghintay ang audience sa California concert niya

Continue reading below ↓

“Nasaan ang hustisya?” tanong ng Filipino fans na matagal naghintay sa pag-akyat ni Sharon sa stage.

7:30 p.m. ang umpisa ng concert pero 11 p.m. na ito nang magsimula at natapos ng ala-una ng madaling-araw.

Hindi na nakapagpalit si Sharon ng damit kaya nag-perform siya na yoga pants—ang kanyang flight oufit mula Toronto hanggang Los Angeles—ang suot at paulit-ulit ang paghingi niya ng paumanhin sa manonood.

Nakapagpalit lamang si Sharon ng damit nang dumating sa Alex Theater ang kanyang mga costume na nanggaling din mula sa Toronto at natagalan bago nailabas mula sa airport ng Los Angeles airport.

Nagdulot ng malaking stress kay Pia ang hindi inaasahang pangyayari, pero hindi ito naging dahilan para huminto siya sa pagpo-produce ng mga concert ng Pinoy artists sa Amerika.

Ito ay dahil sa pagmamahal niya sa OPM at sa kanyang kagustuhang makatulong sa Philippine entertainment industry na lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Isa si Pia sa mga Filipino concert producer sa Amerika na naglakas-loob mag-produce ng mga concert sa panahon ng pandemya kaya marami ang nabigyan niya ng mga trabaho.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rey Valera: “Mahirap magtiwala kung kani-kanino at minsan, kakilala mo na at matagal mo nang kasama... Hindi budol ang salita, e. Nakakaramdam ka pa rin ng lamangan, something like that.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results