Anne Curtis balik-It's Showtime na sa May 21?

by Jojo Gabinete
May 19, 2022
anne curtis summer
Ayon sa isang source, kumpirmado na ang pagbabalik ni Anne Curtis sa Kapamilya noontime show na It's Showtime sa Sabado, may 21, pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Matuloy na kaya ito?
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram

Sigurado na ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime at mangyayari ito sa darating na Sabado, May 21, 2022.

Ito ay base sa impormasyong nakalap ng Cabinet Files mula sa isang source.

Hindi malinaw kung ito nga ang petsa ng pagbabalik ni Anne sa Kapamilya noontime show dahil walang nabanggit sa teasers ng It's Showtime.

Read: Anne Curtis looks forward to her It's Showtime return; does not say when exactly

Nakasaad sa social media teaser na inilabas ng ABS-CBN kahapon, May 18: “Annedito na siya! Abangan sa It’s Showtime!”

Sabi naman sa 15-second video teaser: “Annetagal natin siyang na-miss kaya andito na siya. Abang-Anne.”

Mahigit dalawang taong hindi napanood si Anne sa It’s Showtime dahil ipinagbuntis niya ang kanyang anak na si Dahlia Amelie.

Noong December 2019, sa huling trimester ng kanyang pagbubuntis, nagdesisyon si Anne at ang asawa nitong si Erwan Heussaff na lumipad sa Melbourne, Australia.

Read: Anne Curtis enjoying maternity leave in Australia

Continue reading below ↓

Noong March 2, 2020, isinilang ng aktres ang anak nilang si Dahlia Amelie.

Read: Anne Curtis gives birth to baby girl

Hindi kaagad nakabalik sa Pilipinas ang Heussaff family dahil sa coronavirus pandemic.

Makalipas ang mahigit isang taon, bumalik sila sa bansa noong February 2021.

Read: Anne Curtis, magbabalik sa showbiz after more than two years

Pero ang pag-aasikaso sa kanyang pamilya ang naging priority ni Anne kaya hindi pa rin siya napanood bilang isa sa mga main host ng It’s Showtime.

Isang mainit na pagtanggap ang naghihintay kay Anne sa It’s Showtime sa Sabado.

Inaabangan din ng kanyang mga tagahanga ang pagbabalik niya sa concert scene sa susunod na buwan, ang Luv-Anne Live!, na itatanghal sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa June 11, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa isang source, kumpirmado na ang pagbabalik ni Anne Curtis sa Kapamilya noontime show na It's Showtime sa Sabado, may 21, pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Matuloy na kaya ito?
PHOTO/S: @annecurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results