Hunk boyfriend ng Kapuso actress na si Ashley Ortega, nahalal bilang mayor ng Lucena City

by Jojo Gabinete
May 20, 2022
mark alcala and girlfriend ashley ortega
Si Mark Alcala, dating varsity player ng La Salle Green Archers, ang nanalong mayor sa Lucena City, Quezon. Girlfriend ng 26-year-old politician ang Kapuso actress na si Ashley Ortega.
PHOTO/S: Instagram

Biglang nagkaroon ng mga karibal ang Kapuso actress na si Ashley Ortega mula nang mahalal na mayor ng Lucena City, Quezon ang kanyang boyfriend na si Mark Alcala.

"Maghihiwalay rin kayo ni Ashley" at "Lilipat na kami sa Lucena" ang ilan sa mga mensaheng natatanggap ng boyfriend ni Ashley.

Dating atleta si Mark dahil basketball player siya ng La Salle Green Archer noong nag-aaral pa siya ng business management course sa De La Salle University.

Continue reading below ↓

Si Ashley ang kasama ni Mark nang magsumite ito ng kandidatura bilang mayor ng Lucena City noong October 8, 2021. Pero bihirang mag-post sa social media ang aktres ng kanilang mga litratong magkasama kaya marami ang nagulat nang malamang may relasyon sila ng young mayor-elect ng nabanggit na siyudad.

Si Mark ang Youth Ambassador ng Lucena City at executive assistant ng kanyang ama, si incumbent Lucena City Mayor Dondon Alcala, bago siya nagdesisyong kumandidato sa eleksyon noong May 9, 2022.

Continue reading below ↓

Huling termino na ni Roderick "Dondon" Alcala bilang mayor ng Lucena City kaya tumakbo siyang vice mayor ng kanyang anak at pareho silang nanalo.

Gumawa ng kasaysayan sa Lucena City ang father-and-son team nina Dondon at Mark dahil sila ang kauna-unahang mag-ama na maglilingkod bilang vice mayor at mayor, respectively, sa kanilang bayan.

mark & roderick alcala lucena city

Continue reading below ↓

Magsisimula sa July 1, 2022 ang panunungkulan ni Mark.

Nangako siyang ipagpapatuloy ang mga proyekto ng kanyang ama tulad ng yellow card at housing program para sa kanilang mga kababayan.

Interestingly, si Ashley ang pangalawang Kapuso actress na may nobyong mayor. Ang co-star niya sa Widows' Web na si Pauline Mendoza ay girlfriend naman ni Bryan Celeste, na nahalal muli bilang mayor ng Alaminos City, Pangasinan.

Postscript: Iba’t iba ang mga balitang lumalabas tungkol sa tunay na edad ng boyfriend ni Ashley. Kaya ngayong Biyernes ng umaga, May 20, tumawag ang Cabinet Files sa opisina ni incumbent Mayor Dondon Alcala.

Napatunayan naming protective sa mayor-elect ng Lucena City ang staff ng kanyang ama dahil ang edad lamang niya ang aming itatanong, pero hinanapan kami ng request letter.

Ipinaliwanag namin na ang edad lamang ng boyfriend ni Ashley ang aming gustong malaman at hindi kami mag-iinterbyu sa bagong halal na mayor nila.

Continue reading below ↓

Ilang segundong nag-isip ang kausap namin sa kabilang linya bago ito walang kagana-ganang sumagot na 26 years old na ang incoming mayor ng Lucena City.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mark Alcala, dating varsity player ng La Salle Green Archers, ang nanalong mayor sa Lucena City, Quezon. Girlfriend ng 26-year-old politician ang Kapuso actress na si Ashley Ortega.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results