Pops Fernandez, hiniling na respetuhin ang resulta ng nakaraang eleksyon

by Jojo Gabinete
May 20, 2022
pops fernandez 2022 elections
Pops Fernandez: "We really took this one personally na almost to a point na kapag iba yung desisyon mo, natatakot kang magsabi kung ano yung choice mo, kasi nga parang ine-expect mo na may magagalit sa 'yo. Pero ganoon po yun, kaya nga eleksyon, kasi dapat po, kanya-kanya tayo ng desisyon.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang Philippine entertainment industry ang isa sa mga naapektuhan ng naganap na pambansang halalan noong May 9, 2022.

Nagkaroon ng mga isyu at hidwaan ang mga showbiz personality na sinuportahan ang mga kandidatong magkakatunggali para sa mataas na puwesto, gaya nina Vice-President Leni Robredo at Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Read: Battle for star power: Leni Robredo and Bongbong Marcos celebrity endorsers

Isa si Pops Fernandez sa mga hiningan ng opinyon tungkol sa nangyaring dibisyon o pagkakawatak-watak ng mga artista noong panahon ng kampanya at eleksyon dahil sa kanilang magkakaibang political views.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ipinangampanya ni Pops ang vice-presidential bid ng kanyang ninong, si Senate President Tito Sotto. Isa rin siya sa naging performers sa grand miting de avance ng UniTeam nina Bongbong at Sara Duterte noong May 7.

Read: BBM-Sara supporters dagsa sa UniTeam miting de avance

Pero hindi siya katulad ng ibang mga artista na nakipag-away nang dahil sa pulitika.

Continue reading below ↓

Ipinaalaala ni Pops na ang mapabuti ang kalagayan ng Pilipinas ang kagustuhan ng lahat kaya hiniling niyang huwag nang mag-away dahil tapos na ang halalan.

Pahayag ng Concert Queen, “At the end of the day, iisa lang naman ang gusto natin sa ating bayan. Gusto natin makakita ng napakalaking improvement para sa atin.

“Ang nakalimutan po natin is lahat po tayo, magkababayan. Lahat po tayo Pilipino so iisa lang po yung pagnanasa nating makamtan.

"Sana po, walang away."

Dagdag pa ni Pops, "We really took this one personally na almost to a point na kapag iba yung desisyon mo, natatakot kang magsabi kung ano yung choice mo, kasi nga parang ine-expect mo na may magagalit sa 'yo.

"Pero ganoon po yun, kaya nga eleksyon, kasi dapat po, kanya-kanya tayo ng desisyon.”

Hiniling din ni Pops na igalang natin ang pasya ng bawat isa.

“I think, ang nawala talaga sa eleksyon na ito is respect for one another.

Continue reading below ↓

“We all forgot we’re only voting because we want a better Philippines, but we forgot that we are all Filipinos and we’re fighting against each other, which does not make sense.

"Why? Because one feels that they have a better choice than the other one."

Saad pa niya, “Tapos na po yung eleksyon. I think we should just try to move on.

"Yes, there’s a whole lot of healing process. Siyempre, may mga sad, angry, disappointed.

"Pero nagawa na po yung choice so I think we have to respect that and, again, dapat po magrespetuhan tayo sa isa’t isa.

"Iisa lang ang Pilipinas at, again, mga Pilipino po tayo."

Sinabi ito ni Pops sa media conference noong Miyerkules, May 18, ng Four Kings and A Queen, ang U.S. concert tour nila nina Hajji Alejandro, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison na magsisimula sa June 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pops Fernandez: "We really took this one personally na almost to a point na kapag iba yung desisyon mo, natatakot kang magsabi kung ano yung choice mo, kasi nga parang ine-expect mo na may magagalit sa 'yo. Pero ganoon po yun, kaya nga eleksyon, kasi dapat po, kanya-kanya tayo ng desisyon.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results