Liza Soberano lilipat na sa Careless talent management ni James Reid?

by Jojo Gabinete
May 21, 2022
liza soberano, dj flict, james reid
Kumalat sa social media ang larawan na ito nina Liza Soberano at James Reid na kasama ang L.A.-based Filipino-American musician na si DJ Flict. Marami tuloy ang nagtanong kung may project ba sina Liza at James.
PHOTO/S: @lizasoberano IG story

Kumalat ang mga haka-haka na may proyekto na gagawin sina James Reid at Liza Soberano dahil mga larawan nila na magkasama na kuha sa Amerika at pinagpasa-pasahan sa social media.

Walang kumpirmasyon kung may pinaplano na collaboration ang dalawa pero isang bagay ang sigurado, lilipat na si Liza sa Careless, ang talent management company ni James.

Liza Soberano, DJ Flict, James Reid

Continue reading below ↓

Ito ay ayon sa isang taong may kakilala sa kumpanya ni James.

Reportedly, hindi na ni-renew ni Liza ang kontrata sa mga dating namamahala sa kanyang showbiz career dahil nagdesisyon siya na lumipat sa Careless.

Inaasahang magsasalita si Liza sa mga susunod na araw tungkol sa mga pagbabagong mangyayari sa kanyang entertainment career.

Hinihintay rin ang official statement ng Careless tungkol sa paglipat ni Liza sa kanilang kompanya.

(Ed's Note: Agad na nag-reach out ang PEP.ph sa longtime manager ni Liza na si Ogie Diaz para kunin ang panig nito tungkol sa usap-usapang hindi na pagre-renew ng kontrata ni Liza sa kanya at hindi na siya ang manager nito.

"Ako pa din," ang sagot ni Ogie. Dagdag pa nito, abangan daw ang kanyang official statement tungkol sa balitang ito sa kanyang YouTube channel.)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumalat sa social media ang larawan na ito nina Liza Soberano at James Reid na kasama ang L.A.-based Filipino-American musician na si DJ Flict. Marami tuloy ang nagtanong kung may project ba sina Liza at James.
PHOTO/S: @lizasoberano IG story
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results