Bukas, Linggo, May 22, 2022, mula 10 a.m. hanggang 10 p.m., pa nakatakda ang public viewing para sa mga labi ni Susan Roces.
Pero nagsimula na ngayong Sabado ng gabi, May 21, ang lamay sa The Chapels ng The Heritage Park sa Taguig para sa Queen of Philippine Movies na binawian ng buhay kahapon, May 20.
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
Ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Susan ang nagsadya sa The Heritage Park ngayong gabi para personal na makiramay sa mga naulila ng aktres, na pitong dekadang naging bahagi at malaki ang kontribusyon sa Philippine entertainment industry.
Read: Susan Roces: Queen of RP Movies
Hindi pa tapos ang pandemya kaya ipinatutupad pa ang safety protocols sa The Heritage Park.
Nakaabang sa main entrance ang doormen na taga-spray ng alcohol sa kamay ng mga nakikiramay na dumarating at nakasuot ng mga face mask dahil isa rin ito sa mahigpit na pinaiiral.
Nagmistulang hardin ang paligid at loob ng chapel na kinalalagyan ng bangkay ni Roces dahil napuno ito ng mga bulaklak ng pakikiramay mula sa mga taong nagmamahal sa kanya at sa mga opisyal ng kasalukuyang pamahalaan.
Napapaligiran din ng mga puting bulaklak ang kabaong na kinahihimlayan ng sumakabilang-buhay na aktres.
Kabilang si former President Joseph Estrada sa mga nagluluksa dahil sa pagpanaw ng kumare niya at asawa ng kanyang pinakamatalik na kaibigan, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Unang nagpaalam sa mundo si FPJ noong December 14, 2004.
Mensahe ng pakikidalamhati ni Estrada sa naiwang pamilya ni Susan: “Ako po ay nalulungkot sa pagpanaw ng aking kumare, Susan Roces.
“Bagamat alam ko masaya ka na sa piling ni Ronnie, ang iyong pamilya at mga kaibigan ay nagdadalamhati sa iyong paglisan.
“Ako rin ay nakikiramay sa pamilyang naiwan lalo na sa aking inaanak, Senator Grace Poe.”
Live na mapapanood sa Facebook page ni Senator Grace Poe ang mga kaganapan sa burol ng kanyang ina sa The Heritage Park.
Isa itong pagbabahagi sa ating mga kababayang hindi makakapunta sa The Heritage Park para magbigay ng respeto sa Reyna ng Pelikulang Pilipino na kanilang minahal at tinangkilik sa loob ng pitong dekada.
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces