Aga, Bayani, Matteo, nabulabog kay Sunshine Guimary sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
May 22, 2022
Matteo Guidicelli, Kim Molina, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, Sunshine Guimary, Aga Muhlach
Sunshine Guimary (2nd from right), special guest kagabi, May 21, 2022, sa Masked Singer Pilipinas. Kasama ni Sunshine sa photo ang judges na sina (from left) Matteo Guidicelli, Kim Molina, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, at Aga Muhlach.
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram

Tatlo na ang celebrity contestants na natanggal sa bawat magkakasunod na linggo sa Season 2 ng Masked Singer Pilipinas, ang reality singing competition ng Viva Television at TV5.

Nagpaalam kagabi, May 21, ang Freestyle vocalist na si Jinkee Vidal na gumamit ng Popcorn mask at costume dahil siya ang nakatanggap ng pinakamababang boto mula sa judge detectives na sina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at Cristine Reyes.

Jinkee Vidal

Continue reading below ↓

Noong May 14, ang singer na si Mark Carpio aka Singkwenta ang ibinoto ng mga hurado para umalis sa programa samantalang voted out noong May 7 ang former Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo na nagtago sa likod ng maskara ni Pato Tim.

Special guest sa May 21 episode ng Masked Singer Pilipinas ang sexy star na si Sunshine Guimary na ikinabulabog nina Aga, Bayani, at Matteo.

Kaya ibinigay tuloy nila kina Cristine at Kim ang pitong puntos na kanilang napanalunan dahil sila ang nakahula sa katauhan ng celebrity contestants sa mga nakaraang episodes ng nabanggit na programa.

Ang Masked Singer ang isa sa mga show ng TV5 na mataas ang ratings dahil kinagigiliwan ng televiewers ang masayang asaran ng grupo nina Aga, Bayani, Kim, Cristine, at Matteo.

Nakikisabay ang televiewers sa paghula sa identity ng mga celebrity contestant pero sa episode kagabi, may lungkot silang naramdaman habang nanonood dahil ipinakita pa rin ang television commercial ni Susan Roces, ang respected actress at Queen of Philippine Movies na binawian ng buhay noong Biyernes, May 20, 2022.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary (2nd from right), special guest kagabi, May 21, 2022, sa Masked Singer Pilipinas. Kasama ni Sunshine sa photo ang judges na sina (from left) Matteo Guidicelli, Kim Molina, Bayani Agbayani, Cristine Reyes, at Aga Muhlach.
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results