Bolera cast members, aminadong nambola na sila sa totoong buhay

by Jojo Gabinete
May 24, 2022
bolera cast
"Yung sa akin, ni-reconstruct ko yung word na bolero. Ginawa kong medyo positive, diplomatic ang tawag dun," sabi ni Joey Marquez (second from left). Pati sina Jak Roberto, Kylie Padilla, Gardo Versoza, at Jaclyn Jose ibinahagi kung kailan sila nagiging bolero/bolera.
PHOTO/S: Instagram

Muling magbabalik si Kylie Padilla sa pagbibida sa telebisyon dahil siya ang lead actress ng Bolera, ang prime-time drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa May 30, 2022.

Gagampanan ni Kylie sa Bolera ang karakter ng isang billiards prodigy. Co-stars niya rito sina Jak Roberto, Rayver Cruz, Gardo Versoza, Joey Marquez, at Jaclyn Jose.

Sa tunay na buhay, naranasan na ng mga artista ng Bolera na mambola o maging bolera at bolero dahil hinihingi ng pagkakataon.

Ayon kay Kylie, nagiging bolera siya kapag pinapakain niya ang kanyang dalawang anak.

"My gosh, oo! Sa mga anak ko!" natatawang sabi ng aktres.

"For example, ayaw nilang kumain. Bobolahin ko nang konti para kumain sila. Gagawin naman nila. Para sa kanila naman yun, e, but I don’t think it’s negative."

Natawa rin si Jaclyn nang aminin nitong naging bolera siya noong kabataan niya, at alam ito ni Gardo.

"Nung kabataan ko, madalas [mambola]. Nung single pa tayo. Alam ni Gardo ‘yan, yung mga ganyang kuwento," may kapilyahang pag-amin ni Jaclyn.

Continue reading below ↓

Hindi naman ipinagkaila nina Jak, Gardo, at Joey na nasubukan nilang mambola sa mga babae na kanilang niligawan.

Diretsahang sabi ni Jak, "Yung panliligaw. Hindi naman po yun mawawala."

Paliwanag naman ni Gardo, "Bilang idolo ko si Emperor [Joey], noong kabataan ko rin gaya ng nasabi ni Jane [Jaclyn].

"Alam ninyo minsan, hindi mo naman puwedeng laktawan sa buhay ng isang tao. Iyan yung may stages.

"Iyan ang pinakamakulay sa lahat, yung panahon na nagkakabolahan, palitan...

"Pero siyempre, once na napagdaanan mo na iyan, magbabalik-tanaw ka, then iisipin mo na, 'Ganoon ako dati, pero hindi na ngayon.'"

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na "ladies' man" si Joey at isa ito sa mga nagkaroon ng maraming karelasyon.

Pero mas nais gamitin ni Joey ang salitang "diplomatic" kaysa "bolero" bilang pantukoy sa sarili.

"Yung sa akin, ni-reconstruct ko yung word na bolero. Ginawa kong medyo positive, diplomatic ang tawag dun.

"Minsan kailangan mong sabihin yung totoo para sumaya yung tao. Para maalis yung lungkot sa kanya," nagpakadiplomatikong reaksiyon ni Joey.

Continue reading below ↓

Humarap sa media sina Kylie, Jak, Jaclyn, Gardo, at Joey sa digital media conference ng Bolera, naganap nitong Lunes ng hapon, May 24, 2022.

Hindi nakasama sa virtual mediacon si Rayver na nasa Canada para sa ilang concert shows.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung sa akin, ni-reconstruct ko yung word na bolero. Ginawa kong medyo positive, diplomatic ang tawag dun," sabi ni Joey Marquez (second from left). Pati sina Jak Roberto, Kylie Padilla, Gardo Versoza, at Jaclyn Jose ibinahagi kung kailan sila nagiging bolero/bolera.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results