Pagpapeseksi ni Janelle Tee, hindi pa lubusang maintindihan ng kanyang pamilya

by Jojo Gabinete
May 24, 2022
janelle tee sexy
Janelle Tee on fulfilling her dream to be an actress: “My heart is full! I’m very grateful sa tiwala na ibinibigay sa akin sa bawat proyekto. I’ll continue to work hard to be the best I can be! I’m very much willing to learn more, put in the work needed to be the best actress that I wish and hope to be someday.”
PHOTO/S: @_janelletee on Instagram

Maraming pagbabagong nangyari sa buhay ni Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee mula nang seryosohin niya ang acting career at magdesisyong magpaseksi sa pelikula.

Read: Janelle Tee says she did not feel exploited in intimate scenes with six men in Putahe

Sa exclusive interview ng Cabinet Files, inamin ni Janelle na hindi pa ganap na maunawaan ng pamilya nito ang pagganap niya ng daring roles sa mga pelikula ng Vivamax.

Aniya, isang stepping stone ang paghuhubad sa pelikula para mas madali siyang makilala ng publiko, sa kabila ng kanyang pagiging beauty queen noon.

Continue reading below ↓

“Mas lumawak ang perspective ko in life. We’re portraying a role and sharing real life stories when filming na nae-enjoy ko dahil marami akong natututunan sa bawat role na ginagampanan ko.

“Mas lalo akong naging open minded at sensitive sa mga realidad na nangyayari sa ating buhay.

“Very conservative ang aking pamilya. Mga probinsyana kami, payak ang pamumuhay.

“Sa ngayon, hindi pa nila gaanong maintindihan ang larangan na pinasok ko. I hope & pray someday na maunawaan po nila,” umaasang pahayag ni Janelle.

SHORT STINT AS WOWOWIN CO-HOST

Dalawang taon (2015 -2017) lang naging co-host si Janelle ng Wowowin, ang defunct game show ni Willie Revillame sa GMA-7. Pero marami umano siyang natutunan mula sa popular host na nagbigay sa kanya ng moniker na “Kim Chi.”

Pagbabalik-tanaw ni Janelle, “Nagsimula kami tuwing Linggo, hanggang nag-every day na kami sa GMA-7 ng 5 p.m. to 6:30 p.m.

“Kim Chi ang ibinigay niyang [Willie] screen name sa akin dahil mukha akong Koreana. Kasabayan ko noon sina Ariella Arida, Super Tekla, at Donita Nose.

Continue reading below ↓

"Nakapag-world tour pa kami sa Abu Dhabi. Isang masayang pamilya kami sa Wowowin!"

Patuloy niya, "I’ll forever be grateful na naging part ako ng show ni Wil dahil marami talaga akong natutunan!

“Hindi ko po malilimutan ang lagi niyang sinasabi sa amin na to give your best all the time, pahalagahan at mahalin ang trabaho namin.

“Marami akong natutunan sa show na habambuhay kong ipagpapasalamat kay Wil.

“Pagmamahal at disiplina sa trabaho. Everybody is dispensable kaya't pahalagahan mo ang bawat oportunidad at trabahong ipinagkakatiwala sa 'yo.

“Ibigay mo ang best mo palagi. Know what your audience want. Huwag mong isipin kung ano lang ang gusto mo, pakiramdaman mo what will keep your audience entertained and interested.

“Huwag mamimili ng tao. Lahat babatiin at pakisamahan. Pahalagahan lalung-lalo na ang mga supporters mo dahil wala ka sa kinakatayuan mo kung hindi ka nila tinangkilik at sinuportahan.”

Mula nang mawala siya bilang co-host ng Wowowin at i-reinvent niya ang sarili bilang sexy star, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong muling magkita sina Janelle at Willie.

Continue reading below ↓

SAVING FOR HER FUTURE

Dahil sa mga pangaral noon ni Willie sa kanya, tanggap ni Janelle na hindi pang-habampanahon ang showbiz career kaya pinaghahandaan na niya ang kinabukasan.

“Plano kong mag-venture into businesses dahil hindi naman forever ang showbiz.

“Gusto kong makapag-invest at makapagtayo ng mga negosyong makapagbibigay rin ng maraming trabaho,” sabi ni Janelle.

Maligaya si Janelle dahil natupad ang pangarap niyang maging artista.

Saad niya, “My heart is full! I’m very grateful sa tiwala na ibinibigay sa akin sa bawat proyekto. I’ll continue to work hard to be the best I can be!

“I’m very much willing to learn more, put in the work needed to be the best actress that I wish and hope to be someday.”

Isa si Janelle sa mga bida ng Secrets, ang sexy-drama movie na magkakaroon ng world premiere sa Vivamax sa June 10, 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janelle Tee on fulfilling her dream to be an actress: “My heart is full! I’m very grateful sa tiwala na ibinibigay sa akin sa bawat proyekto. I’ll continue to work hard to be the best I can be! I’m very much willing to learn more, put in the work needed to be the best actress that I wish and hope to be someday.”
PHOTO/S: @_janelletee on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results