Mabilis na natapos ang paggawa sa nitso sa Manila North Cemetery na paglilibingan sa mga labi ni Susan Roces.
Pumanaw ang Queen of Philippine Movies, sa edad na 80, noong Biyernes, May 20, 2022.
Read: Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
Tatlong araw lamang ginawa ang nitso para kay Susan.
Katabi ito ng puntod ng kanyang asawa, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe. Jr. na pumanaw noong December 14, 2004.
May mga kababayan tayong nag-uumpisa nang sumilip sa paglalagakan ng bangkay ni Susan.
Inaasahang mas marami ang magsasadya sa puntod niya kapag naihatid na siya sa kanyang huling hantungan sa darating na Huwebes ng umaga, May 26, tulad ng nangyari nang ilibing si FPJ noong December 22, 2004.
Hanggang ngayon, marami pa rin sa mga tagahanga ni FPJ ang bumibisita sa kanyang libingan para magbigay ng respeto at mga dasal.
Hiningi ng Cabinet Files ang permiso ng The Philippine Star para magamit ang mga larawan ng nitso ni Roces sa Manila North Cemetery.
Ang Manila North Cemetery ang isa sa pinakamatanda (1904), makasaysayan, at pinakamalawak na sementeryo sa Metro Manila dahil may sukat itong 54 ektarya.
Dito nakalibing ang ilang mga kilalang personalidad mula sa pulitika at show business.
Kabilang sa mga nakahimlay rito sina Fernando Poe Sr. at ang kanyang mga anak na sina FPJ, Andy, at Conrad; ang comedian na si Larry Silva; Max Laurel (gumanap na Zuma sa pelikula); ang character actors na sina Max Alvarado, Rodolfo "Boy" Garcia at Joaquin Fajardo; ang singer-actress na si Lilian Velez; ang Kundiman singer-actress at National Artist na si Atang dela Rama; si LVN Pictures producer Narcisa Buencamino de Leon aka Doña Sisang; at ang unang Pilipinang recording artist na si Maria Carpena.
Nakalagak din sa naturang sementeryo ang mga labi nina former Philippine presidents Ramon Magsaysay, Sergio Osmeña, at Manuel Roxas; at former first ladies na sina Luz Magsaysay, Esperanza Osmeña, at Trinidad Roxas.
Ang Manila North Cemetery rin ang huling hantungan nina former Manila City mayors Arsenio Lacson, Antonio Villegas, at Alfredo Lim; boxer Pancho Villa; poet Jose Corazon de Jesus (gumamit ng pen name na Huseng Batute); National Artists Amado Hernandez (literature) at Juan Nakpil (architecture); painter Felix Resurreccion Hidalgo; Gregoria de Jesus (pangalawang asawa ni Andres Bonifacio); composer Julio Nakpil; at historian na si Epifanio Delos Santos, ang pinagmulan ng pangalan ng EDSA o Epifanio Delos Santos Avenue.
Bago inilipat sa iba’t ibang libingan, ang Manila North Cemetery ang naging pansamantalang himlayan noon nina Paciano Rizal (ang nag-iisang kapatid na lalake ng National Hero na si Jose Rizal), Maria Agoncillo (asawa ni Emilio Aguinaldo), Melchora Aquino (ang Ina ng Katipunan), Marcelo del Pilar, Emilio Jacinto (ang Utak ng Katipunan), Manuel Quezon (Philippine Commonwealth president) at ang asawa nitong si Aurora Quezon, at ng character actor na si Dick Israel.
Related Stories
- Queen of Philippine Movies Susan Roces dies
- Alex Gonzaga, Kim Chiu, Bela Padilla, Bianca Gonzalez mourn death of Susan Roces
- Vilma, Maricel, Lorna, Judy Ann, Ai-Ai pay tribute to fellow queen Susan Roces
- Lovi Poe nagparating ng pakikiramay sa pagpanaw ni Susan Roces
- Rosemarie Sonora, hindi makakauwi para sa burol at libing ng kapatid na si Susan Roces
- Mga ARTISTA at iba pang KILALANG TAO sa unang gabi ng BUROL ni SUSAN ROCES
- Boots Anson Roa-Rodrigo likens passing of Susan Roces to movie queen's "French leaves" at events
- Senator Grace Poe on passing of mother Susan Roces: “Nabigla rin kami.”
- Julia Montes vows to remember life lessons from Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Ang Probinsyano cast and crew, nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces
- Sheryl Cruz, daughter Ashley pay tribute to Susan Roces
- Coco Martin recalls fond memories with late Queen of Philippine Movies Susan Roces
- Mga labi ni Susan Roces, ililibing sa tabi ng puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery
- Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
- Eddie Gutierrez tears up in eulogy for perennial leading lady Susan Roces
- Maricel Soriano, Eric Quizon, Roderick Paulate, Helen Gamboa honor the late Susan Roces
- Sheryl Cruz, ibinahagi ang mga huling sandali ng tita niyang si Susan Roces sa ospital
- Senator Grace Poe recalls most memorable real-life lines from late mom Susan Roces
- Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces
- Brian Poe-Llamanzares inalala ang mga payo ng kanyang Lola Susan Roces