Watch Now

Baron Geisler, kinabog sina Paolo Gumabao, Sean de Guzman, Vince Rillon sa pagiging daring sa pelikula

by Jojo Gabinete
May 26, 2022
baron geisler daring scenes
Baron Geisler on daring scenes in Pusoy: "Sana hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scene ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat."
PHOTO/S: Vivamax

Nang tumuntong sa edad na 40, saka naging mapangahas si Baron Geisler dahil sa mga maseselang eksena niya sa Pusoy, ang drama-action movie na pinagbibidahan nila nina Vince Rillon, Janelle Tee, Jela Cuenca, at Angeli Khang.

Kung palaban sa paggawa ng sex scenes sa pelikula sina Vince, Paolo Gumabao, at Sean de Guzman, hindi nagpatalo si Baron dahil hinigitan niya ang tapang sa paghuhubad ng mga nabanggit na sexy actor.

May mga nude scene, butt exposure, at mga nagbabagang sex scenes si Baron sa Pusoy. Pero ang "hayok" na pagkain niya sa mga daliri ng paa ni Janelle ang isa sa mga pinakamatinding ginawa niya.

“Hindi nga po nag-alcohol ng paa [si Janelle].Pag ganoon ko, may sabit! Hindi nagka-cut si Direk [Phil Giordano] kaya itinuluy-tuloy ko na lang,” pabirong kuwento ni Baron tungkol sa pinag-uusapang eksena nila ni Janelle.

“Sana hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scene ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas maraming laman na ipinakita. Good luck sa asawa ko!”

Nakausap ng entertainment press si Baron at ang cast ng Pusoy sa naganap na private screening ng pelikula nitong Miyerkules ng gabi, May 25, 2022.

Para kay Baron, hindi malaswa ang paghuhubad na ginawa niya sa Pusoy.

“I think nag-improve. Kung makikita niyo naman po, hindi naman nakabulatlat. Tastefully done pa rin naman.

"Of course, nandoon pa rin yung tema ng Vivamax, pero tastefully done.

“My first time to wear nothing. Mabuti na lang nandoon si Direk Brillante [Mendoza, co-producer ng Pusoy] para i-guide kami sa mga sexy scene.

“It’s my first time to actually do this kind of daring role, love scenes.

"And sa lahat ng mga eksena, yung love scenes talaga yung pinakamahirap gawin. Akala niyo, nag-e-enjoy kami, nanginginig kami.

“Hopefully, ma-screen lang nang maayos ng Viva [ang Pusoy] na hindi po pumasok sa Pornhub,” nagbibiro pa ring sabi ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ang Pusoy ang una at huling sexy project ni Baron para sa Vivamax dahil magsisimula sa susunod na linggo ang shooting ng kanyang bagong pelikula na may pamagat na Lampas Langit.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler on daring scenes in Pusoy: "Sana hindi po kayo nandiri sa aking katawan sa mga love scene ko kahit 40 years old ako. Pero all in all, nag-enjoy ako. I hope nag-enjoy din po kayong lahat."
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results