Ryzza Mae Dizon, pantapat ng Eat Bulaga! sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
May 30, 2022
ryzza mae dizon
Pagkatapos ng dalawang taon ay nakatuntong muli ng Eat Bulaga! studio si Ryzza Mae Dizon na dalaga na ngayon.
PHOTO/S: @ryzzamaedizon on Instagram

Ang pagbabalik ni Ryzza Mae Dizon sa live broadcast ng Eat Bulaga! ang itinapat ng noontime program ng TAPE Inc. at ng GMA-7 sa grand comeback ni Anne Curtis sa It’s Showtime noong Sabado, May 28, 2022.

Kung kumanta si Anne sa production number niya sa It’s Showtime, sumayaw naman si Ryzza na tinawag na “Kween” ng kanyang Eat Bulaga! co-host na si Maine Mendoza.

Read: Anne Curtis, Take 2 sa prod number sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime

Dalawang taon hindi nakatuntong sa Eat Bulaga! studio si Ryzza Mae dahil sa coronavirus pandemic.

Ang pagdadalaga ni Ryzza, 16, ang napansin ng viewers at ng mga host ng Eat Bulaga.

Hindi masyadong tumangkad si Ryzza sa loob ng dalawang taong hindi pagsipot sa live show ng Eat Bulaga, pero nabawasan ang timbang niya at nagkaroon na ng korte ang kanyang katawan nang magpakita siya sa publiko.

Masaya at mainit na pagsalubong ang natanggap ni Ryzza mula sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Dahil dalaga na siya, nanibago si Allan K. kay Ryzza kaya tinanong niya ang dating child actress tungkol sa bagong screen name na gusto nitong gamitin.

Tanong ni Allan: “Kung ikaw ang pamimiliin ng bago mong pangalan, anong gusto mong itawag na namin sa 'yo?”

“Manang” ang suggestion ni Jose Manalo na tinutulan ni Ryzza.

Continue reading below ↓

Hindi rin aprubado sa child star na nakilala bilang "Aling Maliit" ang mungkahi ni Paolo Ballesteros na "Mommy Riza" ang itawag sa kanya.

Kinikilig na sabi ni Ryzza: “Dati ko pa po iniisip ito kasi inaantay ko po talaga ang panahon na ito. Gusto ko pong tawagin akong Mae Dizon!”

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa si Ryzza sa muling pagbabalik nito sa Eat Bulaga! na napakalaki ng bahagi sa kanyang buhay dahil marami sa mga pangarap niya ang natupad.

Anim na taon ang edad ni Ryzza nang mapanalunan niya ang Little Miss Philippines crown sa Eat Bulaga! noong June 8, 2012.

Mula noon, nagtuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career at nagkaroon pa siya ng sariling talk show, ang The Ryzza Mae Show (April 2013 to September 2015).

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng dalawang taon ay nakatuntong muli ng Eat Bulaga! studio si Ryzza Mae Dizon na dalaga na ngayon.
PHOTO/S: @ryzzamaedizon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results