Darren Espanto, may pa-thirst trap; Andrea Brillantes, "pabebe" pa rin magsalita

by Jojo Gabinete
May 30, 2022
ryzza mae darren andrea
Hindi namalayan ng karamihan ang biglang pag-mature ng dating child sensations na sina (mula kaliwa) Ryzza Mae Dizon, Darrem Espanto, at Andrea Brillantes.
PHOTO/S: @ryzzamaedizon On Instagram / Gee Plamenco / BJ Pascual

Ang huwag nang magpalit ng pangalan si Ryzza Mae Dizon, 16, ang payo ng kanyang mga supporter.

Dahil dalaga na siya, gusto ni Ryzza na Mae Dizon na ang itawag sa kanya, pero tutol ang karamihan sa mga tagahanga niya.

Read: Ryzza Mae Dizon, pantapat ng Eat Bulaga! sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

Bukod sa nasanay na sila na Ryzza Mae ang tawag nila sa former Miss Little Philippines winner, sumikat ito gamit ang tunay na pangalan kaya wala silang makitang dahilan para magpalit si Ryzza Mae ng screen name.

Hindi lamang si Ryzza Mae Dizon ang umusbong ang pagiging babae sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nagdalaga rin sa paningin ng lahat ang kapwa niya child actress na si Andrea Brillantes.

ANDREA BRILLANTES

Nang isapubliko nina Andrea at Ricci Rivero ang kanilang relasyon, saka lang tinanggap ng fans ng former child actress na ganap na ang kanyang pagiging dalaga.

Continue reading below ↓

Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya

Pero nananatili ang pagiging bata ni Andrea kapag nagsasalita, at ebidensiya ang video nila ng boyfriend niya na kuha nang magbakasyon sila sa isang beach resort.

Ang "pabebe" na pagsasalita ni Andrea habang bumibili ng pagkain ang napansin ng netizens na mabilis siyang hinusgahan, kahit alam nilang likas na malambing ang 19-year-old actress.

Continue reading below ↓

DARREN ESPANTO

Samantala, biglang nagbinata ang singer na si Darren Espanto.

Noong May 24 ay nagdiwang si Darren ng kanyang 21st birthday.

Bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan nito ang “sexy thirst trap black and white pictorial” niya na tumanggap ng mga papuri mula sa kanyang mga tagahanga at kaibigang artista.

Continue reading below ↓

Ilan sa mg nagkomento ay sina Vhong Navarro, Arci Munoz, at Janine Gutierrez na buong ningning na nagkomento ng “Enchong will be proud.”

janine gutierrez comment

Isa si Darren sa mga young performer na komportable sa pagpapakita sa publiko ng kanyang hubad na katawan na hindi maitatangging bahagi ng reinvention niya sa sarili bilang hunk singer.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi namalayan ng karamihan ang biglang pag-mature ng dating child sensations na sina (mula kaliwa) Ryzza Mae Dizon, Darrem Espanto, at Andrea Brillantes.
PHOTO/S: @ryzzamaedizon On Instagram / Gee Plamenco / BJ Pascual
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results