Ariella Arida, handang makipagsabayan sa kapwa beauty queens na nagpapaseksi sa Vivamax movies?

by Jojo Gabinete
May 30, 2022
ariella arida sexy
Ariella Arida on fellow beauty queens doing sexy movies in Vivamax: “Let’s see, but I’m so happy na nabibigyan talaga ng opportunities now yung mga beauty queen when it comes to acting. I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga.”
PHOTO/S: @araarida on Instagram

Sa kasalukuyan, sina Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda, Miss International 2016 Kylie Verzosa, Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee, at Bb. Pilipinas Universe 2013 Ariella Arida ang former beauty queens na nagtatagisan sa pagpapaseksi sa for-adults-only movies ng Vivamax.

Sa apat na nabanggit, si Janelle ang pinakamatapang sa paghuhubad, pangalawa si Cindy, at pangatlo si Kylie.

Tinanong si Ariella kung magagawa nitong makipagsabayan sa mga kapwa niya beauty queen na nagbibida sa sexy movies ng Vivamax.

“I don’t see it as a competition, actually,” sagot ni Ariella sa digital media conference ng Breathe Again na naganap ngayong Lunes ng hapon, May 30, 2022.

“It’s more of challenging yourself, especially ganoon naman sa life. Kung nasaan ka, it’s either laging may bagong dumarating.

"So, it’s challenging and it’s better to be like that. Kasi kung walang challenge, hindi mo mapu-push yung sarili mo to do things na kaya mo palang gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Let’s see, but I’m so happy na nabibigyan talaga ng opportunities now yung mga beauty queen when it comes to acting.

“I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga.”

Ganap nang bida si Ariella sa Breathe Again, ang pangalawang proyekto niya para sa Vivamax na mapapanood simula sa June 3.

Si Ariella ang kinatawan ng Pilipinas sa 62nd Miss Universe na idinaos sa Moscow, Russia November 10, 2013.

Hindi man niya naiuwi ang korona, parang nanalo na rin si Ariella dahil siya ang itinanghal na third runner-up sa international beauty pageant na kanyang sinalihan.

Alin ang mas mahirap: ang rumampa sa Miss Universe na swimsuit ang suot o ang ang magpaseksi sa pelikula?

Sagot ni Ariella, “Parehong mahirap in a different level. Sa Miss Universe kasi parang you’re most focused on yourself, how to bring out the best for yourself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas mahirap sa pelikula just because hindi ka lang mag-isa. Maraming ka-work na kailangan mo i-consider.

"Unlike sa pageant, ikaw lang talaga. Ikaw lang ang gagawa for yourself, how to shine.

“Sa film, you have your co-actors, your director. Iba rin yung dynamics sa pelikula. May drama, may emosyon.

“Sa Miss Universe, it’s more on pag-smile mo lang or fierce ka lang, paano ka rumampa.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ariella Arida on fellow beauty queens doing sexy movies in Vivamax: “Let’s see, but I’m so happy na nabibigyan talaga ng opportunities now yung mga beauty queen when it comes to acting. I’m actually dreaming na sa isang project, magkakasama kami. That’s exciting and kayo na ang bahalang humusga.”
PHOTO/S: @araarida on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results