Watch Now

Denise Esteban, iniwan ang wholesome image sa P-Pop Girls para magpaseksi sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2022
denise bautista from p-pop to sexy
Former P-Pop Generation member Denise Esteban decides to take the sexy route to be more popular.

Kabilang si Denise Esteban sa 45 miyembro ng P-Pop Generation na ipinakilala noong February 2019.

Siya ang hinulaang sisikat sa nabanggit na all-female group dahil sa kanyang kagandahan, husay sa pagkanta at pagsayaw.

Kaya marami ang nagtaka sa desisyon niyang maghubad sa pelikula.

Ipinagtapat ni Denise na bata pa lamang siya, pangarap na niya ang umarte sa harap ng kamera at ang pagpapaseksi ang kanyang naisip na paraan para mabilis na makilala sa Philippine show business.

Hindi naman po siguro ako mag-stay sa pagpapaseksi. Magkakaroon din ako ng mga role na medyo paseksi na lang,” katuwiran ni Denise sa pasya nitong kumawala sa dating wholesome image niya noong kasali pa siya sa P-Pop Girls.

p-pop generation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang drama-thriller movie na Kaliwaan ng Vivamax ang unang sexy project ni Denise, na nahirapan dahil hindi nga siya sanay sa paghuhubad at paggawa ng mga daring scene.

“Sa first movie ko po na Kaliwaan, medyo nangapa po ako. Nung isu-shoot na yung sex scene, love scene, sobrang kabado po ako dahil baka mali yung gagawin ko. Baka medyo awkward sa kamera.

"So, tanong ako nang tanong sa mga kasamahan ko kung okay lang ba yung mga ginawa ko.

"Pero nung lumabas naman po [ang pelikula], tinanong ko si Direk Brillante [Mendoza], okay naman daw po. Nagawa ko naman daw nang maayos,” pahayag ni Denise.

Isa si Denise sa mga pinakamapalad na baguhan dahil above the title at kahanay ng pangalan ni AJ Raval ang billing ng kanyang pangalan sa Kaliwaan.

Masuwerte rin ang 20-year-old aspiring actress dahil nabigyan agad siya ng pagkakataong makatrabaho ang award-winning director na si Jose Javier Reyes sa Secrets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“First time ko makatrabaho si Direk. Akala ko masyado siyang istrikto, masungit sa set.

"Pero nung shooting namin, sobrang gaan niya na katrabaho. Sobrang bilis niyang kumuha ng mga eksena."

Mabilis ang mga pangyayari sa acting career ni Denise mula nang magpaseksi sa pelikula dahil magkakasunod ang mga project niya—Kaliwaan, Doblado, Secrets, at ang Vivamax Original Series na High On Sex.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former P-Pop Generation member Denise Esteban decides to take the sexy route to be more popular.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results