Watch Now

Senator Tito Sotto, nagpaalaam na sa Senado; babalik na sa Eat Bulaga?

by Jojo Gabinete
Jun 1, 2022
tito sotto last day as senator
Senate President Tito Sotto: "When the time comes that my humble name will have to be enconsced and chiseled into the annals of the Senate history, I want to be remembered as Vicente Sotto III, a musician by profession, a sportsman by affiliation, a drug buster by vocation, and a public servant by conviction."
PHOTO/S: YouTube / Bong Revilla Facebook

Ang mensahe ng pamamaalam ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa huling araw ng sesyon ng 18th Congress ang isa sa mga pinakamadamdaming tagpo na nasaksihan sa Senado nitong Miyerkules ng hapon, June 1, 2022.

Sa huling talumpati niya bilang senador, hiniling si Sotto sa mga manunungkulan sa 19th Congress na ingatan ang integridad ng Senado.

Aniya, “Maintain the integrity and the independence of the Senate. Huwag ninyong payagan na mabahiran ng pulitika ang inyong serbisyo sa taumbayan.

“Ingatan ninyo ang respetong ibinigay ng bawat Pilipino sa Senado at sa mga miyembro nito.

“When the time comes that my humble name will have to be enconsced and chiseled into the annals of the Senate history, I want to be remembered as Vicente Sotto III, a musician by profession, a sportsman by affiliation, a drug buster by vocation, and a public servant by conviction.

"Salamat, mabuhay!"

Sina Bong Revilla Jr. at Grace Poe, na kapwa malapit sa entertainment industry, ang dalawa sa mga senador na nagpasalamat sa mga serbisyong ibinigay sa bayan ng kanilang mga paalis na kasamahan sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri ni Revilla si Sotto na isa mga senador na matagal na naglingkod sa ating bansa.

Mensahe niya, “To our dear Senate President Tito Sotto, we thank you for your leadership. Habang marami sa miyembro ng Kongreso ay naka-online sa pagdalo ng sesyon habang rumaragasa ang COVID sa buong mundo, kayo po ay magiting na tumindig sa rostrum bilang Pangulo ng Senado upang pamunuan ang ating plenary sessions at magpatuloy ang trabaho at paglilingkod ng Mataas na Kapulungan para sa ating mga kababayan.

“As one of the longest-serving senators of the Republic, we truly admire your work ethic, commitment to duty and patriotism.

“Si SP Tito Sen ay nakasama rin ng aking ama noong 9th hanggang 12th Congress mula 1992 hanggang 2004, at isang malaking karangalan na makatrabaho ko din kayo mula 15th Congress hanggang sa aking pagbabalik sa Senado ngayong 18th Congress.

“I join the entire nation in expressing profound gratitude to your selfless service. Maraming salamat po, SP!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi naman ni Poe na hindi madali ang magpaalam sa mga taong kanyang hinahangaan at pinahahalagahan.

Pahayag niya, “Sila ang mga kasamahang nagsimula sa pagiging katrabaho na naging mga mabuting kaibigan, gabay at kaalyado sa pagseserbisyo sa bayan.

“Maraming salamat, Senate President Vicente Tito Sotto, Minority Floor Leader Sen. Franklin Drilon, Senate Pro Tempore Sen. Ralph Recto, Sen. Dick Gordon, Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Leila de Lima, at Sen. Kiko Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isang karangalan ang maging bahagi ng Kongresong ito kasama kayo.”

Ngayong hindi na senador si Sotto at may sapat na oras na siya para sa sarili, umaasa ang loyal viewers ng Eat Bulaga! na magiging regular na ang partisipasyon nila nina Vic at Joey de Leon sa kanilang noontime show sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nakakapansing nababawasan na ang interes ng publiko sa longest-running variety show ng bansa kaya panahon na para bumalik ang dating senador at dapat madalas nang napapanood sa Eat Bulaga! ang tatlong poste at original hosts ng programa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senate President Tito Sotto: "When the time comes that my humble name will have to be enconsced and chiseled into the annals of the Senate history, I want to be remembered as Vicente Sotto III, a musician by profession, a sportsman by affiliation, a drug buster by vocation, and a public servant by conviction."
PHOTO/S: YouTube / Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results