Naging circus na ang isyu ng paghihiwalay ni Moira dela Torre at ng kanyang asawang si Jason Marvin Hernandez.
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Kumakalat ngayon ang larawan ni Jason katabi ang isang lalake na kuha sa loob ng airport. Binigyan ito ng malisya ng ibang netizens at inuugnay sa hiwalayan nina Jason at Moira.
Ngayong Miyerkules ng gabi, June 1, 2022, lumantad na ang kasama ni Jason sa larawan upang linawin ang maling impormasyon na ipinapakalat ng ilan.
Nagpakilala ang kasama ni Jason sa larawan bilang si Mac Merla, handler nina Jason at Moira dela Torre sa Cornerstone Entertainment Inc., na siyang namamahala sa career ng mag-asawa.
Naglabas ng pahayag si Merla para ituwid ang maling akala ng mga taong mabilis maniwala sa mga tsismis kaya nabibiktima ng fake news.
Pahayag niya sa kanyang Instagram post: “Just for the sake of clarity, for those who do not know us, I am Mac Merla of Cornerstone Entertainment Inc. I am the handler of Jason and Moira.
"This was taken during our flight to Dubai for Moira's event which was taken by Moira herself.
“This is a very difficult time and we continue to pray for both of them.
“Pakiusap ko lang sana sa inyo bilang malapit nilang kaibigan na sana umiwas na tayo sa mga speculations na hindi nakakatulong sa napakahirap na sitwasyon na pinagdaraanan ni Moi and Jason.”
Bukod kina Moira at Jason, si Merla rin ang handler ni Alex Diaz.
Si Merla ang kasama ng bisexual actor sa nakaraang face-to-face press conference ng PaThirtsy, ang upcoming movie ng The Idea First Company at Vivamax.
Dahil marami na ang nakisawsaw, may apela rin ang chemist at ang businesswoman na si Pinky Tobiano, isa sa mga ninang sa kasal nina Moira at Jason noong January 14, 2019.
Kaugnay ito ng kumakalat na larawan ni Jason kasama ang isang lalake na kuha sa airport. Binigyan ito ng malisya ng ibang netizens at inuugnay sa hiwalayan nina Jason at Moira.
Pahayag ni Tobiano, “I am speaking as the ninang of Moira and Jason. I hope we allow both of them this time to heal.
“Mac Merla is tha handler of both Moira and Jason and their relationship is purely professional. May we instead pray for them in this tough time.”