Watch Now

Former President Erap Estrada, lumuhod sa harap ng asawa niyang si Dr. Loi Ejercito

by Jojo Gabinete
Jun 3, 2022
erap estrada loi ejericto birthday
Former President Joseph "Erap" Estrada was extra sweet to wife Dr. Loi Ejercito during her 92nd birthday at the Manila Peninsula, Thursday, June 2.

Kahit maingat na maingat sa pagtayo at paglalakad, nagawa ni ex-Philippine President Joseph “Erap” Estrada na lumuhod sa harap ni former First Lady Luisa “Loi” Ejercito nang bigyan niya ng bulaklak ang asawa, na nagdiwang ng 92nd birthday sa Manila Peninsula sa Makati City kagabi, June 2, 2022.

Paulit-ulit ding ginawaran ni Erap, 85, ng masiil at maalab na halik si Dra. Loi na ikinatuwa ng mga bisita.

Isinabay sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Unang Ginang ang paglulunsad sa memoir niya, ang Love, Mommyla: My Memories of 9 Decades, ang librong proyekto ng kanyang anak na si Jackie Ejercito.

Mababasa sa Love, Mommyla ang kuwento ng buhay ni Dra. Loi noong kabataan nito, ang pag-aaral ng medisina sa University of Sto.Tomas, ang makulay na relasyon niya kay Erap, ang pagiging mapagmahal na ina sa kanilang mga anak, ang pagkakaroon ng unconditional love para sa lahat, at ang kanyang kasiyahan nang iwanan ng pamilya nila ang Malacañang Palace.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

erap estrada family

Ikinasal ang dalawa sa isang civil rites noong 1959, pero tatlong dekada ang nakalipas bago ipinakilala ni Erap si Dra. Loi sa publiko bilang legal wife niya.

Nahalal na senador ng bansa si Dra. Loi noong 2001.

Gumawa sila ng kasaysayan ng kanyang anak na si Senator-elect Jinggoy Estrada dahil sila ang kauna-unahang mother-and-son team sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ng panganay na si Jinggoy para sa ina: “We will always be thankful to have you in our lives. We are so lucky because you have always inspired us to be better and you have always believed in us.

“It is this belief, this unwavering support that have pushed us to reach for our dreams and to make the impossible possible.

“Mommy, you have always been the wind beneath our wings. Happy, happy birthday Mom.”

Ang "Wind Beneath My Wings," ang official soundtrack ng 1983 movie na Beaches na inawit ni Bette Midler ang kantang inialay kay Dra. Loi ng lahat ng kanyang mga anak, manugang, at apo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former President Joseph "Erap" Estrada was extra sweet to wife Dr. Loi Ejercito during her 92nd birthday at the Manila Peninsula, Thursday, June 2.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results