Felix Roco, ayaw nang pag-usapan ang matinding sikreto na naibulgar sa publiko

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2022
felix roco secrets
“Siguro hindi ko na rin sasabihin para hindi pa rin malaman ng publiko. I’ll keep it as a secret,” says Felix Roco when asked about the part of his life that he has yet to share to the public.
PHOTO/S: @imnotlexx on Instagram

Ang matipid pero walang paliguy-ligoy na mga sagot ni Felix Roco sa mga tanong sa kanya ang napansin ng entertainment press sa virtual media conference ng Secrets na naganap noong Biyernes ng hapon, June 3, 2022.

Read: Felix Roco, nakipagsabayan sa baguhang sexy stars sa hubaran

Dahil Secrets ang pamagat ng pelikulang ipinu-promote ni Felix at ng kanyang co-stars na sina Janelle Tee, Benz Sangalang, at Denise Esteban, ang matitinding sikreto nila na nabulgar sa publiko ang isa sa mga itinanong sa kanila.

“Meron ata siguro pero ayoko nang pag-usapan,” napangiting sagot ni Felix.

Ang reaksiyon ni Felix sa nabanggit na tanong ang nagpaalaala sa alleged "private video" niyang kumalat noong 2016.

Pero kusang namatay ang isyu dahil hindi nagsalita ang 33-year-old actor tungkol sa kanyang kinasangkutang kontrobersiya.

Sa tanong kung ano ang bahagi ng buhay niya ang hindi alam ng publiko, “Siguro hindi ko na rin sasabihin para hindi pa rin malaman ng publiko. I’ll keep it as a secret,” prangka pero hindi nakakainsultong sagot ni Felix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa face-to-face press conference ng Secrets noong May 19, pumalakpak sina Janelle, Denise, at Benz sa sinabi ng isang entertainment writer na magaling na aktor si Felix dahil sila mismo ang nakapagpatunay sa husay niya sa set ng kanilang pelikula.

Si Jose Javier Reyes ang direktor ng Secrets.

Sa digital mediacon nito noong Biyernes, muling pinuri ng award-winning director ang acting ability ni Felix.

“I’ve always had the highest respect for Felix bilang isang artista.

“Remember Felix, after one scene, yun naman talagang hindi lihim yun dahil sinabi ko kay Felix after we shot the scene, ‘Punyeta ka.Ang galing-galing mo!’

“At sana, mabigyan pa si Felix ng mga role na talagang magpapakita na ang dugong nananalaytay sa kanya ay talagang dugong Roco,” pahayag ni Direk Joey.

Bilib na bilib si Direk Joey kay Felix, na nakagawa ng sariling pangalan sa entertainment industry kaya hindi na siya ipinakikilala ngayon bilang anak ni Bembol Roco na isa rin sa mga pinakamahuhusay na aktor ng ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Siguro hindi ko na rin sasabihin para hindi pa rin malaman ng publiko. I’ll keep it as a secret,” says Felix Roco when asked about the part of his life that he has yet to share to the public.
PHOTO/S: @imnotlexx on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results