Watch Now

Security guard, walang awang ginulungan ng driver ng isang RAV4 SUV

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2022
traffic enforcer ginulungan
Nakunan sa dash cam ang walang awang paggulong ng driver ng white RAV4 SUV sa security guard (kanan) sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue sa Mandaluyong City ngayong Linggo, June 5, 2022.
PHOTO/S: James Deakin Instagram / Chris Sor Yhano Facebook

Kinokondena ng netizens ang driver ng white Toyota RAV4 SUV na nakabangga sa isang security guard sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue sa Mandaluyong City ngayong Linggo, June 5, 2022.

Malinaw na nakunan ng mga dash cam ng mga sasakyang nakahinto sa trapiko ang buong pangyayari sa kalunus-lunos na insidente ng hit-and-run—ang pagbangga ng nagmamaneho ng sasakyan sa security guard na napahiga sa kalsada.

Pero imbes na tulungan, ginulungan pa siya ng driver na tinakasan ang responsibilidad.

Ang vlogger at TV host na si James Deakin ang isa sa libu-libong Pilipino na kumondena sa ginawa ng driver ng RAV4 sa kaawa-awang security guard.

Isinugod sa ospital at under observation ang security guard dahil sa pinsalang tinamo nito sa katawan.

“Pure evil” ang pagsasalarawan ni Deakin sa hit-and-run incident na naganap sa kanto ng Megamall at St. Francis Square Mall.

"How heartless can you be???" caption at tanong ni Deakin sa video na inilagay niya sa kanyang Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Galit din ang naging reaksiyon ng mga nakapanood ng video gaya nina Derek Ramsay, Senator-elect JV Ejercito, Rocco Nacino, Doug Kramer, Shintaro Valdes, at Aubrey Miles.

“This person should be put behind bars,” reaksiyon ni Derek.

Napa-"WTH" si Rocco at napamura naman si Shintaro.

james deakin post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pure evil. Please find the driver," panawagan ni Aubrey.

“That driver has to be located! I don’t mind punching him myself! What a heartless crook!” galit na galit na banta ni JV.

Sabi naman noi Doug, "Wth! Grabe!"

james deakin comment

Sa tulong ng mga nagmamalasakit na netizens, nakuha ang kumpletong plate number ng RAV4 na minamaneho ng tumakas na driver kaya inaasahang mabilis nang matutukoy ang kanyang pagkakakilanlan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakipag-ugnayan na ang Cabinet Files sa mga kaibigan ng security guard mula sa Raptor Security Agency na biktima ng hit-and-run, at hinihintay na lang namin ang kanilang mga sagot.

Isang Chris Sor Yhano ang nanawagan, sa pamamagitan ng kanyang Facebook post, sa concerned citizens na tulungan silang mahuli ang suspect.

Si Chris din ang naglabas ng mga larawan ng biktima na nakaratay na ngayon sa ospital.

“Pakikalat po ng madaling mahuli itong suspect ng hit and run. Our security from Raptor, ginagawa lang [niya ang] kanyang duty. Gustong tuluyan [ang] guard namin.

"Paki-kalat po. Kung sino ka mang driver ng Toyota RAV4. Plate Number NCO…, pagbayaran mo [ang] ginawa mo sa tropa namin,” sabi ni Chris.

Nagpasalamat si Chris sa netizens na nagbigay sa kanila ng mga kopya ng video ng nakagagalit at nakapanlulumong krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan sa dash cam ang walang awang paggulong ng driver ng white RAV4 SUV sa security guard (kanan) sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at St. Francis Avenue sa Mandaluyong City ngayong Linggo, June 5, 2022.
PHOTO/S: James Deakin Instagram / Chris Sor Yhano Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results