Jose Javier Reyes, sawa na sa rom-com movies kaya bumalik sa pagdidirek ng sexy film

by Jojo Gabinete
Jun 6, 2022
jose javier reyes secrets
Award-winning director Jose Javier Reyes on returning to sexy genre: "Isa ako sa pioneers ng rom-com. Hindi sa sinasabi ko na ayaw ko nang rom-com pero gusto mo naman ma-challenge. Yung post-coitus ko, gusto ko naman gumawa ng mga pelikula na gusto kong gawin."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax

Ang kagustuhang muling mahamon ang kanyang kakayahan bilang direktor ang pangunahing dahilan kaya makalipas ang matagal na panahon, muling gumawa ng sexy movie ang multi-awarded director na si Jose Javier Reyes.

Ito ay sa pamamagitan ng Vivamaz movie na Secrets na pinagbibidahan nina Janelle Tee, Benz Sangalang, Denise Esteban, at Felix Roco.

“I always wanted to do this film, but then, it’s not like every producer will do a film like this. Kuwento ito ng mga taong may kulo.

“I always wanted to do something na very tense, very sexual, bordering on perversion, showing that what you see in people is not necessarily what you get because each and everyone of us, may secret side tayo na paminsan-minsan mo lamang makita kapag itinulak mo yung tao para ipakita kung ano yun,” paliwanag ni Reyes.

Ayon sa direktor, nagustuhan at ikinatuwa niya ang gumawa ng isang pelikula para sa streaming site na Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Enjoy ako. Sawang-sawa na ako sa rom-com [romantic-comedy movies]. Sawang-sawa na ako sa pagiging pleasant.

"At tandaan mo, ako ang may sulat ng Live Show. Matagal-tagal na rin yun," pagtukoy niya sa controversial 2000 film na siya ang direktor at sumulat ng kuwento.

Ang Live Show ay tungkol sa buhay ng live sex performers pero tinutulan ng Catholic Church na ipalabas sa mga sinehan.

May kinalaman din ang coronavirus pandemic sa pasya ni Reyes na gumawa ng pelikula para sa Vivamax dahil mahirap nang pabalikin sa sinehan ang Filipino moviegoers.

“Nanggaling tayo sa pandemya na two years na, literally, natigang tayong lahat sa paggawa ng pelikula.

“Ikalawa, nag-iba na ang geography ng entertainment. Ang hirap magpabalik ng tao sa sinehan para manood ng Filipino movies.

“Dudumugin nila ang Dr. Strange, dudumugin nila ang Mission: Impossible. Pero anong klaseng pelikulang Pilipino ang pupuntahan nila sa sinehan?

“Admittedly, ang kinabukasan ng mainstream entertainment ay ang streaming. So, sabi ko, ano ngayon ang puwede kong gawin sa streaming?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Reyes, “Puwede akong gumawa ng rom-com, ang panglolo ng mga rom-com, di ba?

"Isa ako sa pioneers ng rom-com. Hindi sa sinasabi ko na ayaw ko nang rom-com pero gusto mo naman ma-challenge.

“Yung post-coitus ko, gusto ko naman gumawa ng mga pelikula na gusto kong gawin.

“Now, ang itinanong naman ng iba, 'Gagawa ka ng pelikula, gusto mo seksi ang gawin mo?'

"Hindi ito seksi, kapag sinabi mong seksi, nakikita mo lang yung paghuhubad. Ang importante, yung sinasabi ng pelikula."

Ang kapwa niya award-winning director na si Joel Lamangan ang sinabi ni Reyes na nagkumbinsi sa kanyang gumawa ng pelikula para sa Vivamax.

Si Lamangan ang isa sa mga veteran director na hindi nawawalan ng mga project sa streaming site ng Viva Entertainment.

Lahad ni Reyes, “Na-challenge ako kasi ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan na si Joel Lamangan ay laging gawa nang gawa sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya sa akin, ‘Bakit hindi ka gumawa sa Vivamax?’

“Sabi ko, sige pag-iisipan ko. Kasi sensitibo ang gumawa ng pelikula sa Vivamax at kung gagawa ako ng ganyang pelikula, gusto ko yung naiiba.

"Gusto kong ma-challenge din ako. Gusto ko rin maka-work yung mga artista na bago.

“Dyusko, yung mga unang artista na idinirek ko, mga lolo na, di ba? I really wanted to do something new.

"So, why did I do Secrets? Well, mainly because I want to be challenged to do something new, “ ang natatawang pahayag ni Reyes.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning director Jose Javier Reyes on returning to sexy genre: "Isa ako sa pioneers ng rom-com. Hindi sa sinasabi ko na ayaw ko nang rom-com pero gusto mo naman ma-challenge. Yung post-coitus ko, gusto ko naman gumawa ng mga pelikula na gusto kong gawin."
PHOTO/S: Instagram / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results