Albie Casiño, hindi itinuturing na kapansanan ang pagkakaroon ng ADHD

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2022
albie casino adhd
Albie Casiño on playing a cop in his latest film, Biyak: “It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film. Talagang blessing na nakuha ko itong role na 'to. I enjoyed shooting this character so much.”
PHOTO/S: @thestallion09 on Instagram

Pinasalamatan ni Markki Stroem si Albie Casiño sa digital media conference ng Love at The End of the World noong May 31 dahil sa pag-amin at pagsasalita ng kanyang kapwa aktor tungkol sa pagkakaroon nito ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

Tulad ni Albie, may ADHD si Markki kaya malaking hamon sa kanila bilang mga artista ang mental disorder nila.

Read: Markki Stroem, inamin ang pagkakaroon ng ADHD

Si Albie ang lead actor sa Biyak, ang pelikulang mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at pinagbibidahan nila nina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, at Vance Larena.

Sa naganap na Zoom press conference ng Biyak nitong Miyerkules ng hapon, June 8, ang advantage at disadvantage ng karamdaman niya sa kanyang acting profession ang isa sa mga itinanong kay Albie.

Sagot niya, “I don’t really know what it’s like to live without ADHD so hindi ko po masasabi sa inyo ang advantage at disadvantage, kasi hindi ko siya mako-compare.

Continue reading below ↓

“Wala, e, I don’t know what it’s like to be without it.”

Maluwag daw sa loob na tinanggap ni Albie ang kanyang kundisyong hindi na niya itinuturing na isang kapansanan.

“I really don’t think of it as a disability anymore. I don’t think it’s a disability at all.

“I guess, mas marami lang akong energy, at saka yung mind ko, maraming iniisip. Before a scene, maraming tumatakbo sa isip ko so marami akong gustong subukan sa eksena.

“At the same time, puwede rin maging hindrance yun. Kasi, sa dami ng mga tumatakbo sa utak ko, minsan naguguluhan ako sa eksena and it’s my own fault.

“My mind is racing pero hindi ko talaga masasabi ang advantages at disadvantages because I don’t know what’s life like on the outside.”

Isang police officer ang karakter na ginagampanan ni Albie sa Biyak, na isa umano sa mga pelikulang maipagmamalaki niya.

Continue reading below ↓

Paborito ni Albie ang 2001 action movie na Training Day kaya ang pagganap ni Denzel Washington ang naging inspirasyon niya para sa kanyang role sa Biyak.

“It’s not really just a sexy film. May aspect siya na ganoon, may love scenes, but it’s way more than a sexy film.

“To categorize it as just a sexy film will be doing a disservice to the film itself. It’s more than just a sexy film.

“It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film.

“Talagang blessing na nakuha ko itong role na 'to. I enjoyed shooting this character so much,” may pagmamalaking pahayag ni Albie tungkol sa papel na ginampanan niya sa Biyak.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Albie Casiño on playing a cop in his latest film, Biyak: “It’s so hard for me to explain kung bakit sobrang astig and exciting ng role ko without spoiling a big part of my character’s involvement in the film. Talagang blessing na nakuha ko itong role na 'to. I enjoyed shooting this character so much.”
PHOTO/S: @thestallion09 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results