Rose Van Ginkel, nanood ng "live performance" ng cam girl na si Salome Salvi

by Jojo Gabinete
Jun 10, 2022
rose van ginkel salome salvi
Rose Van Ginkel (left) on watching cam girl Salome Salvi's (right) "live performance": “At first, parang nalula ako. Pero nung makausap na namin siya, makikita mo talaga na masaya siya sa ginagawa niya. Nae-enjoy niya yung ginagawa niya. So, sino ka ba naman para sabihin na tigilan mo yung ginagawa mo? Hindi maganda.”

Loosely based sa kuwento ng buhay at mga karanasan ni Salome Salvi ang plot ng Kitty K7, ang drama-sexy movie na pinagbibidahan ni Rose Van Ginkel.

Si Salome ang sikat at kontrobersiyal na cam girl sa Twitter pero nasuspinde kamakailan lamang ang kanyang Twitter account dahil sa mga video niya habang nakikipagtalik sa iba’t ibang mga lalake.

Ang mga direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas ang mga producer ng Kitty K7, isang original Vivamax movie na mapapanood simula sa July 8, 2022 at mula sa direksiyon ni Joy Aquino.

Si Dan ang nagkuwento kung paano nabuo ang proyekto nila na tiyak na pag-uusapan dahil kilalang-kilala si Salome bilang cam girl at sex performer sa mundo ng Twitter Philippines.

“There’s this popular cam girl on Twitter, si Salome Salvi, and she’s very popular. Nagsimula siya sa mga ad, directory, naging todong cam girl na siya.

“We interviewed her, found out her story at, yun nga, nag-usap kami ni Direk Joy at ng writer, si Pam Miras. We really liked it na parang cam girl is a job na it should be respected,” saad ni Dan.

Si Rose Van Ginkel ang bida sa Kitty K7 at nakuha niya ang role nang sumali siya sa audition na ipinatawag nina Dan at Antoinette.

Lahad niya, “Nung time na nag-audition ako for the role, hindi nagsi-sink sa akin na ako na talaga yung gagawa ng movie na ito kasi nang nabasa ko yung script, nagustuhan ko siya.

“Alam ko na mahihirapan ako, hindi naman po lahat ng scenes dito madali sa akin at ito nga po yung first ko talaga na all out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto kong makita ng manonood na hindi lahat ng cam girls ay ganoon dahil wala na silang ibang paraan para kumita [ng pera].”

Nagkaroon ng pagkakataon si Rose na makilala nang personal si Salome at mapanood ang "live performance" nito bilang cam girl.

Ayon sa sexy actress, “Lalo kong na-appreciate si Salome kasi po before naming gawin, ininterbyu talaga namin siya.

"Gusto nila na makausap ko si Salome, kailangan kong makuha yung feel na masaya ako sa ginagawa ko. Na gusto ko yung ginagawa ko.

"Nag-set po kami ng interbyu with Salome and binayaran din po siya para mag-perform para lang makita ko kung paano talaga siya mag-work with her clients.

“Nakita ko lahat. Habang nag-i-start, medyo napa-'Ha?' ako. Ganito pala talaga, ganito talaga ‘yung ginagawa ninyo.

“At first, parang nalula ako. Pero nung makausap na namin siya, makikita mo talaga na masaya siya sa ginagawa niya. Nae-enjoy niya yung ginagawa niya.

"So, sino ka ba naman para sabihin na tigilan mo yung ginagawa mo? Hindi maganda,” kuwento ni Rose na ginaya at ginamit na halimbawa ang mga ginagawa ni Salome bilang cam girl sa mga eksena niya sa Kitty K7.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rose Van Ginkel (left) on watching cam girl Salome Salvi's (right) "live performance": “At first, parang nalula ako. Pero nung makausap na namin siya, makikita mo talaga na masaya siya sa ginagawa niya. Nae-enjoy niya yung ginagawa niya. So, sino ka ba naman para sabihin na tigilan mo yung ginagawa mo? Hindi maganda.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results