Watch Now

Ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas, muling nakapiling ang mga anak na sina Lorin at Venice

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2022
Yilmaz Bektas, Lorin Bektas, Venice Bektas
Mahigpit na nagyakapan ang mag-aamang Yilmaz Bektas, Lorin at Venice Bektas sa international airport ng Turkey. Labinlimang taong hindi nakapiling ni Yilmaz sina Lorin at Venice mula noong maghiwalay sila ng dating asawang si Ruffa Gutierrez.
PHOTO/S: Screenshot from @iloveruffag Instagram

Makalipas ang labinlimang taon, muling nagkita at nakasama ng magkapatid na sina Lorin at Venice Bektas ang kanilang estranged Turkish father na si Yilmaz Bektas.

Naging madamdamin ang pagtatagpo ng mag-aama sa international airport ng Turkey.

Mahigpit na yakap at halik na bunga ng matagal na pangungulila ang iginawad ni Yilmaz sa dalawang anak nila ng kanyang ex-wife na si Ruffa Gutierrez.

Si Ruffa ang nagbahagi ng video ng pagkikita nina Lorin, Venice, at Yilmaz sa kanyang social media accounts na nagpaluha sa followers niya.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15-years of being apart,” ang caption ni Ruffa sa video na nilagyan niya ng hashtags na #NewBeginnings at #TogetherAgain.

Si Yilmaz ang itinuturing ni Ruffa bilang greatest love niya at panahon na ng coronavirus pandemic nang mag-usap sila tungkol sa kanilang nakaraan at sa mga anak nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 2021, inamin ni Ruffa na si Yilmaz lamang ang lalake na iniiyakan niya.

“Si Yilmaz lang yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin kasi may anak kami at yung sa amin ni Yilmaz kasi, malalim.

“May dalawang anak kami. In seven to nine years na magkasama kami—nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko yung career ko, iniwan ko yung pamilya ko, naghiwalay kami.

“Ang daming ganap in those years. And siya yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa. Na ayaw mo nang maramdaman yung klaseng pain na iyon kasi iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya pero mas mahal ko yung sarili ko. Yun ang nangyari sa amin.

“Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya. It's more of...I had to learn how to love myself first."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahigpit na nagyakapan ang mag-aamang Yilmaz Bektas, Lorin at Venice Bektas sa international airport ng Turkey. Labinlimang taong hindi nakapiling ni Yilmaz sina Lorin at Venice mula noong maghiwalay sila ng dating asawang si Ruffa Gutierrez.
PHOTO/S: Screenshot from @iloveruffag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results