Watch Now

Anne Curtis, nag-enjoy sa pagkakaroon ng normal na buhay nang maging ina

by Jojo Gabinete
Jun 11, 2022
Anne Curtis
Matapos ang dalawang taon ng pamumuhay nang normal bilang ina at asawa, balik-buhay artista si Anne Curtis at ngayo'y may pa-concert-fashion show pa na Luv-Anne ngayong gabi, June 11, 2022, sa Resorts World Manila.
PHOTO/S: PR Photos

Naranasan ni Anne Curtis na magkaroon ng normal na buhay sa loob ng mahigit sa dalawang taon mula nang isilang niya ang kanyang anak na si Dahlia noong March 2020.

Nasubukan ni Anne na pumunta sa grocery, magmaneho ng sasakyan, at maglaba—mga bagay na masayang-masaya siyang gawin bilang asawa at ina.

“Yung maggo-grocery ako while I was away. Nagda-drive ako with my baby in the back na parang I probably would not have done before.

“Gigising nang walang ginagawa, chill lang kami sa bahay with my baby. It may seem small things to people but for me, it was such a huge thing na I really, really enjoyed especially because before I would work every day from Monday to Sunday pero may ganap.

“So it was great for me to really just relax and enjoy every moment of being a mom, changing nappies, naglalaba, doing laundry things like that which was so much fun for me to do,” kuwento ni Anne tungkol sa mga ginagawa niya sa kanyang pansamantalang pamamahinga noon sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong gabi, June 11, magbabalik si Anne sa concert scene sa pamamagitan ng Luv-Anne, ang kanyang show na itatanghal sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

May kaba na nararamdaman si Anne pero mas nangingibabaw ang excitement niya dahil nasabik siya na magtanghal sa harap ng live audience.

“Missing the people, missing the energy and the laughter, the eye contact that you get from an audience whether it be my concert, audience or whether it be the madlang-people.

“These are things…I’m missing because it was part of my life for so long. It’s Showtime was ten years of my life and then, I was doing concerts for every two years so I miss that energy,” sabi ni Anne tungkol sa Luv-Anne na hindi lamang isang concert dahil fashion show rin ito.

“One of the great things about Luv-Anne was originally, it was supposed to be a digital concert. So what we had in mind, we were able to re-transition into a live performance. Imagine the ideas and concepts behind that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alongside that we have two of the top stylists in the country, Liz Uy and Pam Quinones collaborating, so may mga palaban din na costumes.

"I’ve also missed dressing up so much, so aside from the amazing production numbers, it’s a fashion show as always.

“Our musical director is Sir Louie Ocampo and the director is Direk Paolo Valenciano,” ani Anne na nagkaroon pa ng fashion pictorial para sa Luv-Anne.

Bumalik si Anne bilang co-host ng It’s Showtime noong May 28 pero tuwing Sabado lamang siya napapanood dahil sa kanyang pahayag na “baby steps" ang pagbabalik niya sa showbiz.

Ang mga paghahanda para sa Luv-Anne ang dahilan kaya wala si Anne sa live broadcast ngayong Sabado, June 11 ng It’s Showtime dahil nga sa concert niya na magaganap mamayang gabi.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang dalawang taon ng pamumuhay nang normal bilang ina at asawa, balik-buhay artista si Anne Curtis at ngayo'y may pa-concert-fashion show pa na Luv-Anne ngayong gabi, June 11, 2022, sa Resorts World Manila.
PHOTO/S: PR Photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results