Xyriel Manabat at Mae Dizon, magkatapat na former child stars na hindi pareho ang pinagdaanan sa showbiz

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2022
Xyriel Manabat, Ryzza Mae Dizon, Mae Dizon
Parehong nagbabalik-showbiz sina Xyriel Manabat at Ryzza Mae Dizon na makikila na ngayon bilang Mae Dizon. Nahinto sa showbiz si Xyriel dahil sa kanyang "awkward stage" habang dahil naman sa pandemic si Mae.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook page

Mabuting kalusugan, maging masaya palagi, at tumangkad pa nang konti bago siya tumuntong sa edad na 18 sa susunod na taon ang mga kahilingan ni Mae Dizon para sa kanyang ika-labimpitong taon na kaarawan na ipinagdiriwang niya ngayong Linggo, June12.

Si Mae ang dating child star na si Ryzza Mae Dizon na natupad ang pangarap na baguhin ang screen name dahil Mae Dizon na ang pakilala sa kanya sa 17th birthday celebration niya kahapon, June 11, sa Eat Bulaga.

Hindi lamang ang kaarawan ang ipinagdiriwang ni Mae dahil ginugunita rin nito ngayong buwan ang ika-sampung anibersaryo ng kanyang showbiz career.

Pitong taon si Mae nang sumali at magwagi siya sa "Little Miss Philippines" contest ng Eat Bulaga noong 2012 na naging hudyat ng pag-uumpisa ng acting career niya.

Sina Xyriel Manabat at Jillian Ward ang mga child actress na namamayagpag noong 2012 pero nakaapekto sa kanilang popularidad ang biglang paglitaw ni Mae.

Continue reading below ↓

Hindi lamang ang birthday celebration ni Mae ang napanood kahapon sa Eat Bulaga dahil guest sa "Bawal Judgmental" segment ng programa si Xyriel na nagbabalik-showbiz matapos ang limang taon na pamamahinga.

Eighteen years-old na si Xyriel na huminto sa pag-aartista para mag-aral at dahil sa “awkward stage” na hindi naranasan ni Mae.

Hindi katulad ni Xyriel, nagtuluy-tuloy ang paglabas sa telebisyon ni Mae sa tulong at suporta ng mga producer ng Eat Bulaga.

Ayon kay Xyriel, mentally prepared na siya sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

“Naging sure po muna ako na dapat one percent fully committed ako, kasi hindi po mabibigyan ng justice yung role if hindi ko po papanindigan yung pagbabalik ko.

"So dapat po sure ako sa desisyon na gagawin ko. More mentally prepared,” ani Xyriel na may nararamdaman na panghihinayang sa limang taon na paghinto niya sa pag-aartista.

“Noong una, na-satisfy [nang tumigil sa showbiz] dahil wala po akong iniisip na calltime. Wala akong iniisip na trabaho.

Continue reading below ↓

“Puwede po akong pumunta kahit saan, kung kailan ko gusto pero nung medyo tumagal-tagal, dun po nagkaroon ng realizations na sana pala kung hindi ako nag-stop, nandiyan din ako.

“Parang if ever na nagtuluy-tuloy ako, sana na-achieve ko po yung na-achieve ng iba.”

Ang transformation nina Mae at Xyriel ang patunay na mabilis talaga ang takbo ng panahon, pero hindi pa rin makapaniwala ang mga tagahanga nila na ganap nang mga dalaga ang mga paslit na nagpatawa at nagpaiyak sa kanila sa mga pelikula at television shows noon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nagbabalik-showbiz sina Xyriel Manabat at Ryzza Mae Dizon na makikila na ngayon bilang Mae Dizon. Nahinto sa showbiz si Xyriel dahil sa kanyang "awkward stage" habang dahil naman sa pandemic si Mae.
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results