Watch Now

Angeli Khang pinuri ng dalawang award-winning directors

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2022
Angeli Khang
Galing sa pag-arte at kagandahang ugali ang ilan sa mga nagustuhan ng dalawang award-winning directors sa Vivamax actress na si Angeli Khang.
PHOTO/S: @angelikhang_ Instagram

Ikinukumpara ang sexy star na si Angeli Khang sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose dahil sa kanyang acting ability.

Ang husay ni Jaclyn sa pag-arte ang unang napansin ng film critics nang magbida siya sa mga pelikula na White Slavery at PrivateShow noong 1986, samantalang napuna sa Silip sa Apoy ang galing ni Angeli bilang aktres.

Silip Sa Apoy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Laging ikinukuwento sa akin ni Direk Mac [McArthur] Alejandre si Jaclyn Jose pero never niyang sinasabi na nakikita niya si Jaclyn sa akin and I think, ngayon na sinasabi nila, nagkakatugma-tugma na lahat,” ang reaksyon ni Angeli nang hingin ng Cabinet Files ang reaksyon niya tungkol sa pagkukumpara sa kanya ng entertainment press kay Jaclyn.

Si Alejandre ang direktor ng Silip sa Apoy at ng bagong pelikula ni Angeli, ang Wag Mong Agawin ang Akin. Last year, pinarangalan si Alejandre bilang best director sa Samskara International Film Festival para sa pelikulang Tagpuan.

Pinupuri ni Alejandre ang ugali at ang talento sa pag-arte ng baguhang sexy actress na para sa kanya ay malaki ang potensyal na magtagal sa industriya dahil sa ugali at husay ng 20-year-old newcomer.

“Malaki ang potensyal dahil tama ang attitude niya. Ang kanyang willingness to learn at ang kanyang drive to exercise her craft to the fullest ay malaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kadikit nito ay ang pagkatao niya. Malaking bagay para sa isang artist ang tamang perspective sa buhay na hindi nawawala ang child-like quality na kahit sa gitna ng chaotic world, name-maintain niya ang child-like innocence. Ganyan si Angeli.

“May bata sa being niya, hindi lang sa puso. Sa buong being niya, name-maintain niya yung a certain degree of purity.

“Mabait siya na bata. Naniniwala ako na para maging magaling ka na artist, malaking bagay ang unahin mo ang maging mabuting tao," sabi pa ni Alejandre tungkol kay Angeli.

Sa tanong tungkol sa tsansa ni Angeli na magkaroon ng acting award, “I have no doubt,” ang sagot ni Alejandre.

"I am very, very sure. The question is will it be sooner or just a little bit later? But that will come. I’m very definite, it will come!”

Hindi lamang si Alejandre ang award-winning director na nakatrabaho at nakakita sa potensyal ni Angeli bilang mahusay na aktres dahil hindi rin ito nakaligtas sa obserbasyon ni Brillante Mendoza, ang best director awardee sa Cannes Film Festival noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mendoza ang direktor ng ‘Ma Rosa, ang pelikula na nagbigay kay Jaclyn ng best actress trophy sa 2016 Cannes Film Festival at project din niya ang Virgin Forest, ang upcoming Vivamax movie ni Angeli.

Angeli Khang and Brillante Mendoza

Sinabi ni Angeli na plano nito na panoorin ang mga pelikula ni Jaclyn na hindi pa niya napapanood pero nakatatak sa kanyang isip ang mga payo ni Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa sa advices na tumatak sa akin [mula kay Mendoza] na ‘Nakikita kita na passionate sa acting and just keep on doing what you’re doing hanggang sa one day, makamit mo na hindi na ikaw yung naghahanap ng movies. Ikaw na yung hinahanap ng movies.’

“Balikan ko yung bashers not in a bad way but in a good way.

“Sobrang happy ko na meron akong movie na very free, walang script but all about imaginations. Talagang hinahasa ni Direk Brillante yung pag-arte ko, yung being creative and being independent.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Galing sa pag-arte at kagandahang ugali ang ilan sa mga nagustuhan ng dalawang award-winning directors sa Vivamax actress na si Angeli Khang.
PHOTO/S: @angelikhang_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results